Sa tanong kung anong mas gusto nila, ang mataas ang ratings o maraming ads o sponsors?
“I think goes hand in hand, kasi kapag mataas ang ratings mo, roon naman nagbi-base na papasukin ka ng ads, ‘di ba? So they go together, pero siyempre kaming nasa TV prod, ratings kasi it shows na maganda ‘yung produkto namin, ‘yung pinaghirapan namin, maraming nagkakagusto. Eh, ‘yung TV ads naman, sa management naman mapupunta ‘yun, kita nila ‘yun,” katwiran ng direktora sa amin.
CONCEPT,
NAGKAKATAONG
NANGYAYARI
Lima pala ang direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano at nag-leave ang isa dahil kinuhang assistant director ni Coco sa pelikulang Ang Panday.
Tinanong namin kung sinasadya ba nilang itapat sa kasalukuyang nangyayaring gulo sa bayan ang mga kuwentong napapanood sa Ang Probinsyano.
“Actually hindi, kasi bago pa nangyari itong Marawi siege, nakaplano na kami ahead of time, sa maniwala kayo o hindi, mga three months na itong planado, ano ‘yan may mga concept na ‘yan ganito o ganyan tapos at saka lang ipupulido habang malapit nang i-shoot ang certain episode.
“Kaya napa-‘Yay’ kami noong nangyari itong Marawi kasi nakaplano na, eh, wala siyempre iisipin ng iba ginaya. Ang totoo talagang nagkataon, ‘yung 44 SAF fallen, ‘yun ang natapat,” pagtatapat sa amin ng direktor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan