Tuesday , December 24 2024

Parojinog leader ng drug ring — Duterte

ANIMO’Y estadong piyudal ng pamilya Parojinog ang Ozamis City at nagpapatakbo rin sila ng drug organization kaya naging madugo ang katapusan ng kanilang paghahari sa siyudad.

“Hindi naman ito basta you pick one enemy at a time. You are up against an organization. Parojinog has been there and you can ask the ordinary citizen of Ozamis. Tanungin mo sila kung ilan ang pulis na namatay doon na hindi sumunod. They were running the city as if it was a feudal state of the family,” ito ang paliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon.

Ipinaalala ni Pangulong Duterte ang lockdown sa mga lokal na opisyal nang ipinatawag niya sa Palasyo noong nakalipas na Enero, sinabihan sila na itigil ang pagsangkot sa illegal drugs.

“Sinabi ko talaga sa kanila, Do not do it. Do not do it because my order is to destroy the organizations,” anang Pangulo.

“And so my order to the military and the police and rightly so: to destroy the organization, both the supplier, the users and everybody connected with the organization because they keep alive the trade. Sabi ko, dito ayaw kong mapahiya. I declared war against drugs. Huwag mo akong hiyain, kasi hindi ako nakatatanggap ng kahihiyan,” dagdag ng pangulo.

Tumanggi ang Pangulong aminin kung may susunod pang itutumbang opisyal ng gobyerno na sabit sa illegal drugs.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *