Monday , December 23 2024

GRP-NDF peace talks ‘di tuluyang ibabasura ni digong — Bello (Reelection ng Norway PM apektado)

ANG pagpapatuloy ng peace talks ng gobyernong Duterte at National Democratic Front (NDF) ay maaaring magresulta sa reelection ni Erna Solberg, bilang prime minister ng Norway sa Setyembre.

Sinabi ni Labor Secretary at government peace panel chief Silvestre Bello III, umaasa si-yang hindi itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagbasura sa peace talks sa kilusang komunista dahil posibleng maging isyu ito sa kandidatura ni Solberg bilang third party facilitator ang Norway.

Malaki na aniya ang nagagasta ng Norway sa pag-agapay sa Filipinas na matuldukan ang armadong tunggalian ng pa-mahalaan at CPP-NPA-NDF.

Inilahad ni Bello, sa ilang beses na pagkansela sa formal at backchannel talks ay naaksaya ang pondo ng Norway dahil sagot nito ang lahat ng gastos ng GRP at NDF panel members mula plane ticket at accommodation nang mahigit 50 kataong lumalahok sa usapang ginaganap sa Norway at sa The Ne-therlands.

Naniniwala si Bello na malalim ang pagkakaibi-gan nina Pangulong Rodrigo Duterte at CPP founding chairman Jose Ma. Sison at ang ‘banatan’ nila o palitan ng maaanghang na salita ay pansamantala lang at hindi kayang buwagin nang ganoon na lang.

Inamin ni Bello, nang tambangan ng NPA ang mga kagawad ng PSG sa Arakan, North Cotabato ay sinita niya si NDF pa-nel chief Fidel Agcaoili ngunit nagulat ang communist leader sa ibinalita niya at hindi na nagpaliwanag pa.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *