Tuesday , December 24 2024

Anti-drug war ni Duterte ‘negosyo’ ng ‘HR groups’

GINAGAWANG negosyo ng ilang human rights group ang pagbatikos sa drug war ng administrasyong Duterte upang makakalap ng pondo.

Sa panayam sa radyo kahapon, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, ginagamit sa pag-iingay ng ilang human rights groups ang bintang na paglabag sa karapatang pantao sa isinusulong na drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang makakuha ng pondo mula sa kanilang financier.

Kailangan aniyang may mga aktibidad na ilunsad ang nasabing mga grupo upang may mai-sumiteng report sa kanilang financier para bigyan katuwiran ang inila-lagak na kuwarta sa kanilang organisasyon.

“May mga grupo at human rights group, mga non-profit organization, pinag-aralan ko kasi iyan sa non-profit management, kailangan niya ‘pag nakakuha ka ng pondo, saan man nakukuha ang pondo, kailangan mong — mayroon kang mga activities para ma-justify iyong pondo, di ba? Halimbawa, human rights, mayroon ka talagang dapat na gawin na mga activities para ma-report mo doon sa funder mo na mayroon kang ginagawa, ganoon iyon. Otherwise, ‘di mo mai-report ay mababawasan ka ng pondo, lahat naman ng mga organisasyon, hindi naman mabubuhay iyan kung walang pondo,” paliwa-nag ni Andanar.



Ngayon taon aniya ay “flavor of the year” ng human rights groups ang Filipinas at ginagawa ang pagbatikos upang hindi mamatay ang kanilang negosyo.

“So iyan, ang kanilang flavor of the year e iyang Filipinas. Kaya they really have to continue doing all these activities. Their businees is a non-profit organization, a non-profit business. And they really have to report to the funders that they are doing their jobs,” dagdag ni Andanar.

Nauna rito, ilang human rights groups ang humiling sa US Congress na imbestigahan ang anila’y extrajudicial killings sa drug war ni Duterte.

Matatandaan, tinukoy ni Pangulong Duterte si Hungarian-American billionaire George Soros bilang financier ng human rights groups na bumabatikos sa kanyang drug war.

Sina Soros at Fil-Am businesswoman Loida Nicolas-Lewis ang nasa likod ng destabilisasyon laban sa kanyang admi-nistrasyon at parehong supporter ng Liberal Party tandem Mar Roxas-Leni Robredo noong nakalipas na halalan.

ni ROSE NOVENARIO

 

US CONGRESSMAN
HIBANG — PALASYO

DAPAT sampalin ng isang US lawmaker ang kanyang sarili para mawala ang pagkahibang at magising sa katotohanan na sa Amerika siya mambabatas kaya’t hindi kailangan makialam sa Filipinas.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, sa Massachusettes sa Amerika ibinoto si Rep. Jim McGovern at hindi inihalal ng mga botante sa buong mundo kaya wala siyang kara-patan na makialam sa ibang bansa, lalo sa Filipinas.

“Hindi naman na Congressman iyan, e nakikialam sa mga bagay-bagay na labas naman sa bansa niya. Matanong ko lang, iyang Congressman ba na iyan ay ibinoto ba sa Filipinas o doon sa kanila? Doon siya makialam sa Massachusetts. Problema, pakiramdam kasi siguro niya e superior siya masyado, a Congressman of the world siya. Siguro e sampalin niya iyong sa-rili niya para magising siya sa katotohanan na Congressman siya ng Amerika, doon sa Massachusetts, hindi siya Congressman ng Filipinas o ng buong mundo,” ani Andanar hinggil sa pag-iimbestiga ni McGovern sa umano’y human rights violations sa bansa kaugnay sa drug war ng adminis-trasyong Duterte.

Hinimok ni Andanar ang US lawmaker na una-hin siyasatin ang mga insidente ng paglabag sa karapatang pantao sa Amerika at mga pakikialam ni Uncle Sam sa ibang bansa na nagresulta ng human rights violations, gaya nang pambo-bomba sa pagamutan sa Syria.



Ipinagmalaki ni Andanar na ayon sa pinakahuling survey, 82% ang sumusuporta kay Pangulong Duterte at malabo aniyang mapantayan ni McGovern ang popula-ridad ng Pangulo, kahit mismo sa Massachusettes.

“Makialam siya rito, okay sige makialam siya pero i-investigate niya i-yong mga nangyayari doon sa Middle East at sa mga hospital na mga binomba nila, ‘di ba? ‘Di ba iyon ang sinabi ni Presidente doon sa speech noong Thursday? So iyon ang problema sa mga pakialamero e. Pakialaman nila ang sarili nila. Kaya marami ang hindi rin na-tutuwa e. Otsenta y dos porsiyento sumusuporta sa Presidente ‘di ba? Sa palagay ko wala pang otsenta y dos porsiyento ang sumusuporta sa kaniya, sa kaniyang lugar. Iyong Congressman,” giit niya.

Hinamon ni Andanar si McGovern na magpunta sa Filipinas upang makita mismo ang sitwas-yon sa bansa at hindi nagbabase lamang sa ‘tsismis’ mula sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang pinakamaganda riyan e talagang pumunta sila rito. Dito sila mag ano — tingnan nila kung anong nangyayari. Hindi lang iyong puro tsismis ‘di ba? At saka dito, tingnan nila kung anong nangyari, pag-aralan nila nang husto tutal mura lang naman ang ticket ‘di ba? Kayang-kaya nilang bumili ng ticket, pumunta sila rito tapos umikot sila sa buong Filipinas para makita talaga nila on the ground iyong — mahirap kasi iyong puro sa-lita tapos hindi ka naman pumupunta,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *