Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ampaw si Conor McGregor (Kalaban ni Mayweather)

 

MAAARING nagpakita ng matinding kompiyansa ang challenger na si Conor McGregor sa batuhan ng insulto kay retiradong kam-peong si Floyd Mayweather, Jr., ngunit ayon sa mga nakakikilala sa Irish UFC champion, ito lang ang maaasahan sa sikat na mixed martial arts fighter dahil kulang sa aksiyon at ampaw sa sagupaan.

Ayon kina dating world boxing champion Jessie Vargas at Brandon Rios, nabalitaan nilang napatumba si McGregor sa mga sparring match at ang bantog na ‘boxing skills’ nito ay hindi angkop para isagupa sa tulad ni Mayweather.

“He may stand no chance of defeating Mayweather in the ring, no matter how much he rattles him outside of it,” punto nina Vargas at Rios.

“The boxing world is small and (we have) heard McGregor was struggling during his sparring sessions before the high-profile bout,” dagdag ng dalawa.

Habang nakatakdang sumungkit ang tubong-Dublin na UFC lightweight champion ng nakalululang US$100 milyong premyo sa pagharap sa American pound-for-pound king, maaaring asahan na lang ng mga manonood bilang “the best” ng labanan ang theatrics at bravado sa lead-up ng match-up kaysa tunay na bakbakan sa ibabaw ng ring.

“It’s a tough (impossible?) feat for anybody to change sports in this manner and the Irishman may have bitten off more than he can chew in taking on the undefeated Mayweather,” tukoy ni Vargas.

Gaya ng ipinaliwanag ng Forbes.com, umaabot sa 14 ounces (mahigit 396 gramo) ang standard sparring glove sa boxing habang ang isusuot ni Mayweather para sa kanilang laban ni McGregor ay titimbang lang ng 10-ounces (mahigit 283 gramo).

(TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …