Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexual assault na lang at hindi rape ang kaso ni Noven Belleza

 

NA-STRESS nang todo-todo ang singer na si Noven Belleza kaya naospital. Pero nang maibaba sa kasong sexual assault ang kasong isinampa sa kanya, bigla siyang gumaling at nakalabas ng ospital as of press time.

Ang sabi, hindi naman daw talaga na-rape ang biktima kundi she was molested only without actual penetration. Ito ay pagkatapos suriin ni Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño ang mga proof of evidence na inihain ng biktima.

As we all know, bailable ang sexual assault unlike sa rape na walang piyansang ipinahihintulot ang batas.

Based from the report of inquirer.net, pinatawan ng P120,000 piyansa si Noven.

Nakalabas na rin ang “Tawag ng Tanghalan” grand champion mula sa kanyang hospital arrest ngayong Miyerkoles, July 19.

Kapag umusad na raw ang kaso, that will be the time when they would answer all of the questions in court.

“We will answer everything during court trial,” Atty. Leilani Villarino, Noven’s lawyer intimates.

“What is important now is he will be able to post bail.

“For now, he enjoys the presumption of innocence.”

Matatandaang inaresto ng Mabolo police officers si Noven right after the concert of Vice Ganda early morning of Sunday, July 16.

Base ito sa bintang na ginahasa raw ni Noven ang isang 19-year-old local performer na kapanabayan niya noon sa It’s Showtime.

Sa isang hiwalay na panayam ay nagpaunlak naman ang isang close friend ng biktima at sinabi nito in great detail ang ginawa supposedly ni Noven based on his relative’s narrative who is the boyfriend of the ‘victim.’

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …