Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-iitik na ‘di nagbayad ng rev tax ‘di pinatawad ng NPA

ISINALAYSAY ni Secretary Hermogenes Esperon, Jr., national security adviser, sa press briefing sa Mindanao Hour, ang kaugnay sa pagdalaw sa Marawi City ni Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y naging emosyonal bunsod ng pagkahabag sa maraming sundalong napatay sa kaguluhan sa nasabing lungsod. (JACK BURGOS)

WALANG patawad ang NPA, ultimo maliliit na magsasaka ay kinikikilan taliwas sa propaganda nilang tagapagtanggol ng mga mamamayan.

Sa press briefing kahapon sa Palasyo, kinuwestiyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. ang ideolohiya ng NPA na nasangkot sa iba’t ibang insidente ng karahasan habang nagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa gobyerno.

Inihalimbawa ni Esperon ang panununog ng NPA sa plantasyon ng saging, sinunog ang mga truck at tinagpas ang walong ektarya ng saging nang hindi magbayad ng “revolutionary tax” sa mga rebelde.

“In fact, doon sa isang napagkasunduan na major agreement, the CAHRIHL (Comprehensive Agreements on Human Rights and International Humanitarian Law), maraming provisions iyan about safeguarding the civilians na dapat hindi ina-attack ang civilians. E ipinagmamalaki nilang sundan natin iyong CAHRIHL. Pero ano ba iyong tinatabas mo iyong pananim, iyong mga saging? Ano ba iyong nanununog ka? Ano ba i-yong mag-iitik ka lang e tinatamaan ka pa? Ano ba iyon?” aniya.

Dahil armadong grupo ang NPA, kasama sila sa masasapol ng operasyong militar, kasama ng BIFF, ASG, Maute/ISIS, sa idineklarang martial law ng Pangulo sa Mindanao.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …