Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, leading man ni Liza; Ding, hinahanap pa

 

MAY lumabas ding balitang si Daniel Padilla na ang leading man ni Liza base na rin sa lumabas sa ilang website.

“Nakita ko rin ‘yun (websites), hindi pa namin masasabi kung sino, pero mayroon na,” say ni direk Erik.

Kinulit namin ang direktor na sasagot lang siya ng ‘yes or no’ kung si Daniel na nga.

Tumawa ng malakas ang direktor, “ha, ha, ha, eh, ‘di ‘pag sinagot ko ng yes or no, sumagot na ako niyon. Hindi ko puwedeng sabihin dahil parang kinompirma ko na ‘yun kung siya ba o hindi, ‘di ba?

Baka naman may cameo role si Daniel sa Darna, “ha, ha, ha hindi ko puwedeng sabihin, si Ogie (Diaz) na lang putaktihin n’yo, ha, ha, ha,” humahagikgik pang sabi ng direktor.

Sa ngayon ay hindi pa nagsisimula ang shooting ng Darna ni Liza at hindi rin alam ni direk Erik kung kailan pero sa pagkakaalam niya ay nasa kalagitnaan ng training niya ang aktres at magkikita sila ngayong linggo para sa series of workshop.

“Last week we sat down, we presented what we want to happen,”sabi pa.

At tungkol sa leading man, “may napili na kaming leading man, pero ‘yung gaganap na Ding, may nakikita na kami, pero kailangan ko pang makausap siya para malaman ko.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …