Tuesday , December 24 2024

SALN ng 3 gov’t. off’ls ‘di inilabas ng Palasyo

 

HINDI ipinagkaloob sa media ang kopya ng 2016 statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng tatlong pinakamalapit na opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Walang ibinigay na paliwanag ang Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa Malacañang Press Corps kung bakit nabigo silang magbigay ng kopya ng SALN nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Jr., at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Batay sa mga dokumento mula sa ODESLA, si Public Works Secretary Mark Villar ang tanging bilyonaryo sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na may P1.409 bilyong net worth.

Si Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano ang pinakamahirap na nagdeklara ng P273,692 net worth.

Si Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pumangalawa sa pinakamayaman na may net worth na P351,859,283.

Nanatiling sharehol-der si Dominguez ng mga kompanyang Atlas Consolidated Mining and Development Corporation, at Philex Mining Corp, kahit siya ang co-chairman ng inter-agency Mi-ning Industry Coordina-ting Council (MICC) kasama ang Environment Secretary.

Wala rin ang kopya ng SALN ni Environment Secretary Roy Cimatu dahil itinalaga siya sa puwesto noong nakalipas na 8 Mayo, tapos na ang deadline ng pagsusumite ng SALN.

Ang net worth ng ibang miyembro ng gabinete ay:

Information and Technology Secretary Rodolfo Salalima — P304,961,439.91; Secretary Arthur Tugade — P302 milyon; Energy Secretary Alfonso Cusi — P163 milyon; Communications Secretary Martin Andanar — P152 milyon; Economic Secretary Ernesto Pernia — P105 milyon; Foreign Affairs Secretary Alan Peter Ca-yetano — P55 milyon; Trade Secretary Ramon Lopez — P50.5 milyon; Tourism Secretary Wanda Teo — P44.9 milyon; Peace Adviser Jesus Dureza — P40 milyon; Justice Secretary Vitaliano Aguirre II — P37.6 mil-yon; Agriculture Secretary Emmanuel Piñol — P25.6 milyon; National Security Adviser Hermogenes Esperon — P22.3 milyon; Budget Secretary Benjamin Diokno — P19.8 milyon; National Intelligence Coordinating Agency chief Alex Monteagudo — P16.5 milyon; Labor Secretary Silvestre Bello III — P15.5 milyon; Local Government officer-in-charge Catalino Cuy — P14.7 milyon; National Commission on Muslim Filipinos head Yasmin Lao — P13.9 milyon; Acting head of Presidential Management Staff Ferdinand Cui Jr. — P7.98 mil-yon; Science Secretary Fortunato de la Peña — P7.5 milyon; Education Secretary Leonor Briones — P4.39 milyon;

Defense Secretary Delfin Lorenzana — P3.7 milyon; Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo — P1.97 milyon; Health Secretary Paulyn Ubial — P1.2 milyon; National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza — P273,629.58.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *