Sunday , December 22 2024

Digong, tiyak na iinit ang dugo sa BIR Mafia

 

BUKOD sa giyera kontra ilegal na droga, may giyera rin kontra korupsiyon si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Sa unang bahagi ng kanyang panunungkulan noong nakaraang taon, lagi siyang nanggagalaiti sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Kaya nga nang matuklasan niya ang kabulastugan ng Mighty Corporation na bilyon-bilyong piso ang ninakaw sa kaban ng bayan, patong-patong na kaso ang isinampa laban sa kompanyang nakabase sa Barangay Tikay, Malolos City sa Bulacan.

Ngunit may ilang taga-BIR na patuloy sa kanilang tiwaling gawain at waring hindi natatakot na ipatokhang ni Digong. Masyadong kaduda-duda itong kaso ng Del Monte Philippines Inc. na may unpaid tax liabilities na nagkakahalagang P21 bilyon para sa taong 2011, P3B sa taong 2012 at P5B sa taong 2013 o mahigit P29B pero matapos ang mahika ng 18 opisyales ng BIR ay pinagbayad lamang ng P65 milyon. Kompara sa initial assessment ng BIR na mahigit P29B, gakuto ang binayaran nitong Del Monte na P65M sa panahon ni BIR Commissioner Caesar Dulay.

Kakatwa na ang Taxpayers Division Office (TDO) sa Makati City na nagsagawa ng orihinal na assessment ang inatasan tulungan ang Del Monte para mapababa ang P29B sa P65M. Ang BIR Examiners na puwedeng ipagmalaki ng kanilang mga kapamilya sa pagiging mahuhusay sa mahika ay sina Ofelia T. Yumang, Ruby P. Villanueva, Ma. Catalina G. Benedicto , Group Supervisor (GS) Exzaida D. Comentan, GS Cherylle Anne Adapon, Amelia A. Molinos, Belinda D. Balagtas, Lourdes B. Liwanag, Fatima P. Sarrosa, GS Noemi D. Castro.

Inaprubahan ni LTS Chief Teresita Angeles ang rekomendasyon ng Revenue Examiners at inendoso nina HREA Olivia Lao, Reviewer Atty. Tess Salvador, Chief LTDO Makati Edralin Selerio, at Chief Assessment Ramoncito M. Ona. At nakatutuwa, para hindi halatain ay binuwag itong TDO sa Makati.

Ayon sa ilang taga-BIR, ang Chief of Staff for Legal ni Dulay na si Atty. Gaudencio “Gading” Mendoza ang humiling sa mga sangkot na BIR officials na imaniobra para mapababa ang assessment ng Del Monte.

Pero lintik din ang kapal ng mukha nitong si Dulay, sa halip ipaliwanag na wala siyang kinalaman sa dambuhalang anomalya, pinabanatan pa sa ilang kolumnista ang nagreklamong Quezon City taxpayer na si G. Danilo Lihaylihay.

Maalalang si Lihaylihay ang paksa sa kolum ng isang BIR insider na ‘pinakamayamang tao’ sa buong Filipinas kung makukuha ang kanyang reward mula sa gobyerno sa pagtulong marekober ang ill-gotten wealth ng mga Marcos sa Presidential Commission on Good Government (PCGG). Pero biglang kumambiyo ang kolumnista at nagkamalisya nang siraan ang dati niyang iniluklok sa pedestal na si Lihaylihay.

Mabuti na lamang at magpa-patawag ng pagdinig si House Speaker Pantaleon Alvarez kaugnay ng kabulastugang ito ng tinatawag ngayong BIR Mafia. Sabi nga ni Alvarez, hindi na dapat lumikha ng bagong buwis na magpapahirap sa sambayanan ang Kongreso kung makokolekta nang maayos ang dapat bayarang buwis ng mga dambuhalang kompanya tulad ng Mighty at Del Monte Corporations.

Sa susunod, hahalukayin natin ang pagkatao ni Atty. Gading na ‘utak’ at nagmaniobra sa BIR Mafia at kung totoo ang ulat na isang kamag-anak ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang lihim na kumikilos para madismis ang kasong isinampa ni Lihaylihay kontra sa BIR Mafia. Aba, tiyak na lalong manggagalaiti si Pangulong Digong na sinabihan kamakalawa si Morales ng “Shut up, fix your office first.”

Tsk.

ABOT-SIPAT – Ariel Dim Borlongan

 

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *