Sunday , December 22 2024

Gawin ang tama

 

SADYANG dumarating ang pagkakataon na kahit anomang antas ng ‘di pagkakaunawaan basta ang ikabubuti ng nakararami ang pinag-uusapan walang ibang patutunguhan kundi ang paggawa nang tama.

***

Ito ang mensaheng dala ng pagsang-ayon ng Korte Suprema sa Martial Law sa Mindanao.

Noong una halos lahat ay ayaw dahil sa pa-ngambang aabusuhin ito katulad ng nangyari noon. Pero kitang-kita naman na ‘di pag-abuso sa poder ang nasa likod nito kundi para bigyan ng tamang sandata ang gobyerno para harapin ang bangis at pangil ng terorismo roon.

Sa bandang huli, nakita ng ating mga mahistrado ang pangangailangan para suportahan ang hakbang ng Pangulo na gamitin ang batas militar para putulin ang sungay ng grupong Maute.

Ang bawat problema may solusyon, ‘di po ba?

***

Maraming maiingay na halos sila na lang ang laman ng diyaryo, radio at telebisyon. Sa panahon ngayon, sila ‘yung mga nagpetisyon sa Korte Suprema para kuwestiyonin ang legalidad ng Batas Militar sa Mindanao. Bilang isang usaping nauukol sa batas, dapat ang argumento ay ayon din sa batas.

‘Di ba sinabi na ni dating Chief Justice Artemio Panganiban na Martial Law was validly declared and the privilege of the Writ of Habeas Corpus was validly suspended by the President at least in Marawi City, if not in the whole of Mindanao? Makipag-argumento ka pa ba riyan? Dating Chief Justice ‘yan! Alam n’ya ‘yung sina-sabi n’ya, ‘di tulad ng iba d’yan.

***

Aminin natin na may dapat ayusin sa ating demokrasya. Kung kaya’t kailangan tayo mismong mga mamamayan ang magbuklod at magpanday ng ikatatag nito.

‘Yung patuloy na kinukuwestyon ang legalidad ng Martial Law sa Mindanao ay dapat ituon ang kanilang pansin sa nakabubuti sa bayan. Nagsalita ang korte. Irespeto natin. Ang Korte Suprema kasi ang huling takbuhan ng taongba-yan sa usaping batas. ‘Pag ‘di natin inirespeto, saan pupulutin ang ating demokrasiya?

***

May nagsasabi na nagkaroon ng de facto military junta sa bansa. May kinalaman ito o wala sa pananakot ng ilan kontra Martial Law, iisa lang ang gustong ipahiwatig: ayaw nila sa mga dating heneral na ngayon ay patuloy na nagsisilbi sa ilang ahensiyang sibilyan ng gobyerno.

‘Di ako panig sa pananaw na ito. Marami akong kilala at kaibigan na mga heneral. Iisa ang kata-ngian na nakikita ko sa kanila. Sila yaong uri ng tao na may kakayahan na resolbahin at pigilan ang pagkaroon ng problema.

Ang alam ko, matagal silang hinubog sa propesyon bilang sundalo na araw-araw ay solusyon sa problema ang iniisip. ‘Di yata sila natutulog pag ‘di nasosolusyonan ang problemang hinaharap sa buong araw.

Trained. Skilled. May kakayahan. ‘Yan ang mga sundalo natin!

Dahil kailangan ng gobyerno na resolbahin ang mga problema, bakit ‘di tayo magtiwala sa mga may kakayahan? Dahil lang po ba sa kadahilanang dati silang sundalo? Wala naman tayong batas na nagbabawal sa kanila, ‘di po ba?

Kahit sino na nasa matinong kaisipan ang tanungin, 100% aayon sila na mas mainam ‘yung pagkatiwalaan sa pamamahala ng gobyerno ang mga nakipaglaban para sa bayan kompara sa mga walang nagawa kundi kalabanin ang pamahalaan.

Sa ganitong mga sitwasyon, iisa lang ang solusyon diyan: Gawin ang tama!

PALABAN – Gerry Zamudio

About Gerry Zamudio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *