Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel, nanguna sa 100 Most Beautiful Stars ng Yes! Magazine

 

MULING nakuha ni Kathryn Bernardo ang no. 1 spot sa Yes! 100 Most Beautiful Stars 2017 na una niyang nakopo noong Hunyo 2013 kasama si Julia Montes. Muli, may kasama siya sa cover ng Yes! Magazine, ang kanyang real at reel loveteam, si Daniel Padilla. Sina Kathryn at Daniel ang itinanghal na pinakamaganda at guwapong artista para sa taong ito.

Ayon kay Kathryn, akala niyaý hindi sila ang cover dahil ang alam niyaý isang beses lang puwede. “Pero, I’m very thankful, kasi ngayon I’m sharing this cover with DJ and ‘yun napakalaking bagay niyon. So I’m thankful sa Yes! talaga.”

Ang magaling na photographer na si Mark Nicdao ang kumuha ng mga retrato sa dalawa na para maipakita ang kanilang kilig mode ay nag-asaran muna.

“Paano ko siya pakiligin? Inaasar ko lang siya,” natatawang sambit ni DJ. “Bina-badtrip ko lang siya. Ganoon ang kulitan naming, bad-tripan lang kami nang bad-tripan. Para may something lang lagi.”

Alam naman ni Kathryn na ang pag-aasar ni Daniel sa kanya ay paraan ng paglalambing sa kanya. “Alam namin ýung timpla ng isa’t isa. Magkaibang-magkaiba kami ni DJ off cam, pero kapag magkasama kami, nagbi-blend pa rin kami. Siguro ýon ýung pinaka-secret doon, huwag kang magtago sa mga tao. Kasi kung ano ‘yung nakikita nila sa camera, ganoon din kami kakulit off-cam.”

Sa kabilang banda, muling inulit ni Daniel ang sinabi noon nito sa mga interbyu sa kanila ukol sa tunay nilang relasyon ng dalaga. “Kitang-kita naman na. Parang ano pa bang kailangang sabihin? Wala na. Hindi na kailangang magsalita pa. Masyado nang klaro ýung mensahe na ipinararating namin.”

Gusto namang maging pribado ni Kathryn ukol sa bagay na ito. “Kasi public figures kami, so parang lahat naman, alam na ng tao. Very private ako na tao, so may mga bagay na ayokong ibigay lahat ng details. Ayoko na i-explain. Basta bahala na kung anong isipin, pero ýon ang importante sa akin.”

Samantala, kung gusto naman ninyong malaman kung sino pa ang ibang artistang nakasama nina Kathryn at Daniel sa 100 Most Beautiful Stars ng Yes! Bumili na kayo ng kopya nito sa mga newsstand, bookstores at supermarkets.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …