Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KathNiel La Luna Sangre LLS

Top shots sa La Luna Sangre, nakaka-wow!

 

TRENDING na naman ang La Luna Sangre noong Lunes na may hashtag #LaLunaSangreBagsik dahil simula umpisa ay punumpuno ng aksiyon. Ang hirap kumurap o magbanyo man lang dahil naghasik talaga ng bagsik niya si Supremo (Richard Gutierrez) noong hindi niya mahanap si Malia (Kathryn Bernardo).

Hindi man kami naiyak, pero touching ang maagang pagkamatay ni Frederick (Victor Neri) na namumuno sa grupo para bantayan at alagaan si Malia (Kathryn) kaya naman nagwala ang asawa nitong si Veruska (Ina Raymundo).

Tatlong linggo lang pala ang itinatagal sa serye nina Nikki Valdez (Lydia), Michael Agassi (Miguel), Maika Rivera (Malina), William Lorenzo (Yago) at iba pang kakampi ni Malia.

In fairness, maraming tauhan din si Supremo tulad ni Wilma Doesnt (Elisse) ang namatay, pero tulad sa pelikula, hindi nauubos ang mga kontrabida.

Napapa-wow kami sa top shots ng La Luna Sangre habang naglalaban sila at pati mga effect na lumilipad ang mga Lobo at kung paano sila winawasiwas na parang mga sisiw lang.

Si Malia lang naman ang gusto ng Supremo at hindi sila gagalawin na kaya nagpanggap si Sue Ramirez (Catleya) bilang si Malia pero noong sakalin siya ay walang naramdamang power ang pinuno ng Bampira kaya binitiwan siya.

Ang kaabang-abang ay unti-unti ng nagkakaroon ng power si Malia dahil base sa napanood namin ay kinausap niya muli ang bilog na buwan at nasinagan siya ng liwanag nito hanggang sa nabingi siya at parang nakikita niyang may mga bampirang parating.

Sina Joross Gamboa (Baristo) na tatay-tatayan ng dalaga at si Bryan Santos (Gael) na lang ang natitirang bantay ni Malia kaya sana huwag muna silang matsugi hangga’t hindi nagkakaroon ng powers ang bagong itinakda.

Nakamit ng La Luna Sangre ang ratings na 33.9% nationwide; 35.7% Metro Manila; 33.1% Urban; 34.7% Rural at 31.1% sa Mega Manila.

FACT SHEET – Regggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …