Samantala, pinuri ni kuya Boy si Arjo Atayde sa mahusay nitong pagkakaganap bilang si Rocky Gathercole dahil napaka-effective. Kaya tinanong kung inasahan ni Ibyang na ganito kahusay umarte ang anak?
“Sa totoo lang kuya Boy, noong umpisa, nakita ko, alam mo, mayroon (acting) kasi nakikita ko, kasi hindi ko alam na ganito siya kalalim. Nagugulat nga ako kasi minsan sinasabi niya na, ‘mom alam mo ba na may movie na ganito, ‘tong aktor na ito ganito’ hindi ko alam nagre-research siya.
“Like ‘yung ‘MMK’ nga niya nito lang, the night before the taping, nag-aral, nanood ng movies tapos sasabihin niya, papatayin niya ang cellphone niya kasi ayaw niyang maistorbo, kasi gusto niyang mag-concentrate, ganoon siya (Arjo),” pagtatapat ng aktres.
Hindi naman din napahiya si Ibyang sa anak dahil maraming pumuri sa napakagandang pag-arte ni Arjo sa MMK na hindi hard sell ang pagkaka-arte nito bilang bading at ang taas ng ratings, 33.7% lang naman.
Anyway, mapapanood ang Ipaglaban Mo sa Sabado pagkatapos ng It’s Showtime kasama si JC Santos na gaganap bilang anak ng aktres na isang pipi, “kaya ako ang boses ng anak ko” na may titulong Testigo, kasama rin sina Nico Antonio.
Tinanong namin kung kumustang katrabaho si JC, “marunong siya, mabait na bata,” sabi ni Ibyang.
FACT SHEET – Reggee Bonoan