Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Terorismo dapat itakwil ng LGUs — Palasyo

NANINIWALA ang Malacañang, ang pagtatakwil ng mga lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa terorismo ang susi upang hindi ito umusbong sa Filipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang komitment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wakasan ang terorismo ng Maute-Daesh/ISIS ay nangangailangan nang ganap na suporta ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan.

Ayon kay Abella, nakatuon ang operasyong militar sa Marawi City sa paglilinis  sa siyudad sa mga armadong terorista na patuloy na nagdudulot ng manaka-nakang enkuwentro sa mga pumapasok na tropa ng pamahalaan.

Walang humpay aniya ang pagligtas sa mga residenteng bihag ng mga terorista at pagrekober sa labi ng mga sibilyang biktima.

Inaayudahan ng AFP ang mga lokal na pamahalaan, civil society organizations, at non-government organizations sa relief operations.

Ikinakasa, ani Abella, ang pagtulong ng militar sa yugtong 3Rs, rehabilitation, reconstruction at rebuilding kapag napuksa na ang rebelyon, na pangungunahan ng Joint Task Group Ranao.

Batay sa ulat ng AFP, ang bilang ng mga na-patay ay 27 sibilyan, at 290 terorista, habang 347 ang narekober na mga armas mula nang magsi-mula ang bakbakan sa Marawi City noong 23 May.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …