“MAKILALA at mapalago ang mayamang kulturang nakagisnan.”
Sa pagbabago ng panahon, samot-saring kultura at paniniwala ang ating nakagisnan. Kilala ang Filipinas sa magaganda nitong tanawin, eskultura, at iba pang obra maestra.
Sa modernong panahon, unti-unti nang nasisira at nawawala ang ilan sa mga kinagisnang kultura sa bansa kaya’t nakaisip na gumawa ng mas mabisang paraan upang mapanatili ito.
Itinayo ang Pambansang Museo noong 29 Oktubre 1901, panahon ng pananakop ng Amerikano bilang Museo ng Etnograpiya. Ang institusyong itinatag ay naglalayon na manga-laga ng mga kolek-siyon na maaaring maging batayan ng pananaliksik at taga-konserba ng mga natatanging yamang kultural mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang unang gusali ay dating Kongreso ng Filipinas at ang Sentral na gusali ng Museo. Isinunod ito sa plano ng Amerikanong si Daniel H. Burnham na tinatawag bilang “City Beautiful Movement.”
Ito ay proyektong naglala-yon sa pagtatayo ng magaga-rang gusali at monumentong isinusunod sa estilong neo-classical sa isang malawak at magandang plaza. Ito ngayon ang Liwasang Rizal (Rizal Park).
Sa ilalim ng Republic Act 8492 na pinirmahan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos, ang Museo ay mayroong apat na gusali at tatawagin bilang National Museum Complex. Binubuo ito ng Fine Arts Building, Finance Building, Planetarium at Natural History na hindi pa bukas sa publiko.
Ang Finance building o National Museum of Anthropology ay dating tanggapan ng Department of Finance na itinayo noong 1940 ng arkitektong si Antonio Toledo. Siya rin ang nagdisenyo ng Manila City Hall. Dahil sa pangalawang digmaang pandaigdig nasira ito at muling itinayo sa pangunguna ng arkitektong si Antolin Oreta upang maging tanghalan ng mga eksibisyon sa pagdiriwang ng sentenaryo ng kalayaan noong 1998.
Sa kasalukuyan, mayroon itong limang palapag. Ang gusali ay binubuo ng mga artifacts, sinaunang kagamitan ng mga ninuno at maging mga mana-nakop mula noon hanggang kasalukuyan.
Ang dating tahanan ng Kongreso ng Filipinas na ngayon ay kilala bilang Fine Arts Building. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang obra at eskulturang gawa ng mga kilalang pintor at eskultor. Mayroon itong apat na pa-lapag. Ang unang palapag ay koleksiyon ng mga pinta mula sa mga eksena sa sikat na nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal.
Sa ikalawang palapag ay koleksiyon ng mga magkapanabayang obra. Mga likha nina Jaime De Guzman, Angelito Antonio, Norma Belleza sa anyong modernism ang nasa ikatlong palapag. Samantala bakante naman ang ikaapat.
Mula sa dating entrance fee na P150-P200, ginawang libre ang pagbisita rito sa ilalim ng pamumuno ng administras-yong Duterte.
Layunin ng Pangulo na mabigyang pagkakataon ang ilan sa mga taong hindi pa na-kabibisita rito at upang makita ng taongbayan ang buwis na kanilang ibinabayad.
Sa pagbisita sa Pambansang Museo ng Filipinas, hindi lamang aliw ang dulot nito sa mata kundi mas yayabong ang kaalaman mula sa mayamang kultura at sining ng bansa.
ni Vanniza Grace Arena