Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, may offer na magbida sa Hollywood movie, may imbitasyon din sa Netflix

HINDI lang sa Pilipinas kabi-kabila ang offer kay Liza Soberano. Maging sa Hollywood, dagsa ang project sa alagang ito ni Ogie Diaz.

Sa pakikipaghuntahan naming kay Ogie habang nagkakape, naikuwento nitong may alok sa ibang bansa kay Liza.

“Bida siya kaya lang hindi nila ma-swak a schedule. Isang movie ang offer na siya ang bida. Hollywood movie,” panimula ni Ogie. “Hindi lang nila alam kung sino ang makakasama nito. Maganda ang kuwento at gusto ni Liza ang problema nga lang saan naman namin isisingit.”

Bukod sa Hollywood movie, mayroon ding imbitasyon sa NetFlix. “Iniimbitahan siya nito ang problema rin ay wala kaming maibigay na schedule dahil puno na hanggang December. Hindi naman naming mapagbigyan ang mga imbitasyong ito kasi nga ang mga schedule niya ay inilaan na naming para sa ‘Darna’.”

Sinasabing uumpisahan na ang shooting ng Darna sa July.

“’Ýung sa Netflix, hindi ýun para maging star sa isang series. Gusto lang siyang makilala, makita, at gusto nilang mag-grace si Liza sa okasyon nila sa Singapore,” dagdag pa ni Ogie.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …