Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Dalagang nanaginip ng kasal

HI po Señor,

Sa panagnip ko ay nakasuot ako ng pangkasal, then nagpaksal kmi at nagkagulo, may nagtatakbuhan na parang may nag-aaway tas ay hinabol ako pati ‘yung ibang tao kaya tumakbo rin ako para makaiwas sa humahabol sa amin, pero sa totoong buhay ay dalaga pa po ako pero may BF ako, TY po, pls don’t post my cp no…

To Anonymous,

Kapag nanaginip na ikaw ay nakadamit pangkasal, ito ay nagsasaad na tinitimbang at tini-tingnan mo ang iyong personal na pakikipagrelas-yon. Kung ang pagsusuot mo naman ng damit pangkasal ay nasa lugar na hindi nararapat o hindi wasto, ito ay may kaugnayan sa nararamdamang pagiging inferior o unworthy.

Ang panaginip ukol sa kasal ay simbolo ng bagong simula o pagbabago sa iyong kasaluku-yang buhay. Ito ay repleksiyon din ng ilang isyu o mga bagay-bagay hinggil sa commitment and independence.

Alternatively, ang panaginip mo ukol sa kasal ay maaaring nagsasaad din ng ukol sa feelings of bitterness, sorrow, or death. Ang ganitong mga panaginip ay kadalasang negative at nagha-highlight sa ilang usapin hinggil sa anxiety or fear. At dahil hindi naging maayos ang kinasapitan ng panaginip mo, ito ay maaaring nagpapaalala sa iyo na dapat harapin ang mga negatibong bagay na kinakaharap o dumarating sa iyo.

Kung ikaw naman ay talagang nagpaplanong magpakasal, ito ay maaaring may kaugnayan o nagha-highlight lang sa stress ng pag-aayos ng isang kasalan.

Ang panaginip mo naman na ikaw ay hinahabol ay posibleng nagpapakita na ikaw ay umiiwas sa sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo magagawa o wala kang mapapala. Kadalasan din na ito ay isang uri ng metaphor na nagsasaad ng iyong insecurity.

Ang pagtakbo mo ay nagsasaad ng pag-iwas sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo.

Sa kaso mo, since sa panaginip mo’y tumatakbo ka at umiiwas, ito ay may kaugnayan sa hindi mo pagharap sa mga bagay na kinatatakutan mo. May pagkakataon na nakadarama ka ng kawalan ng pag-asa. Gawin mong produktibo ang iyong buhay, ang mga negatibong bagay sa iyo ay baliktarin at gawing positibo.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *