Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erik Matti Liza Soberano Darna

Modernong costume ni Darna, on top si Direk Matti

SA kabila ng panawagan na huwag pamunuan ni Eric Matti ang direksiyon ng Darna (na gagampanan ni Liza Soberano) ay tuloy na tuloy pa rin ang multi-awarded Ilonggo director sa proyektong ito.

Sa katunayan, on top si direk Eric sa pagpili ng modernong costume ng sikat na Pinay superhero. Just wondering kung ano ang ipinagkaiba nito sa mga nagdaang kasuotan ni Darna.

Then and now ay nag-evolve naman talaga ang Darna costume. May ilang modifications man, pero naroon pa rin ang trademark headgear na predominantly red ang kulay at may hugis ibon na disenyo sa bandang noo nito.

Klasiko rin ang pulang telang nakasabit sa bandang harapan ni Darna. As to how revealing ang bra ni Darna ay isang bagay na dapat abangan ngayong si Liza na ang bagong gaganap.

Ayaw naming pangunahan ang kabuuan ng Matti version na ito, pero higit na kilala ang nasabing direktor sa mga pelikulang makatindig-balahibo. At kung mas angat siya sa horror genre, nakikinita na naming malaking porsiyento ng kanyang bersiyon will dwell on the “dark creatures” na sasagupain ng bida.

Minsan na kaming pinapanood ni direk Eric ng Aswang Chronicles noon na tampok si Dingdong Dantes. The way he presented to us ang pelikula, kinailangan niyang ipakita on split screen ang masusing proseso ng technical aspect nito.

Sa departamentong ‘yon napakahusay ni direk Eric. Ito sana ang mas bigyan ng konsiderasyon ng mga basher niya, particularly the Duterte supporters, na nauna nang nagbantang iboboykot nila ang Darna bunsod ng pagpapakawala niya ng mura na hinihinalang patungkol sa Pangulo.

Just asking: mayroon din kayang political undertones ang Darna considering na taglay ni direk Eric ang radikal na pananaw sa mga kaganapan sa ating bansa?

I’m sure!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …