Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Racela at 5 players pinagmulta ng PBA

PINATAWAN ng multa ng Philippine Basketball Association si TNT Katropa head coach Nash Racela at 5 pang ibang manlalaro sa kalilipas na PBA Commissioner’s Cup semifinals.

Nagmulta ng P7,500 si Racel dahil sa hindi  angkop na kilos nang ireklamo niya ang hindi natawagang goal tending ni Justin Brownlee sa tira ni Joshua Smith sa Game 2 ng kanilang serye.

Bagamat nagwagi sa serye, 3-1, hindi rin nakaligtas ang ibang manlalaro ng Katropa na sina Ranidel De Ocampo, Kelly Williams at Smith sa mga pinakabagong pinatawan ng multa.

Dahil sa Flagrant Foul Penalty 1 (FFP1)  na itinawag kay De Ocampo nang mapa-tid niya si Brownlee noong Game 3 at isa pang technical foul na nakuha ay napatawan siya ng P6,000 multa habang P5,000 naman ang kay Williams dahil din sa FFP1 kontra Dave Marcelo ng Ginebra sa Game 3.

Pinatawan ng P1,600 multa si Smith dahil sa patuloy na pagrereklamo sa referee.

Nadale ng P3,400 parusa si Chris Ross ng San Miguel Beermen bunga ng kanyang technical foul sa patuloy na pagrereklamo noong Game 2 kontra Star Hotshots habang si Sol Mercado ng Ginebra ay napatawan din ng P1,600 multa dahil sa technical foul mula sa pagsambit ng hindi kaaya-ayang salita.

Samantala, parehong tinapos ng SMB at TNT ang kanilang mg karibal na Star at Ginebra, ayon sa pagkakasunod upang itakda ang kanilang Finals showdown na sisiklab sa Miyerkoles.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …