Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ward nalo via TKO (Kampo ni Kovalev nagprotesta)

ITINIGILni  reperi Tony Weeks ang laban sa 8th round nang ulanin na ng suntok si Sergey Kovalev mula sa atake ni Andre Ward.

Pero sa post-fight press conference simulang nagkagulo ang fans. Ayon kay Per Yahoo Sports’ Chris Mannix, ang Main Events ay may intensiyon na mag-file ng protesta sa naging resulta ng laban.  Ayon kay Mannix, tumirik si Kovalev sa 8th round dahil sa paulit-ulit na low blows ni Ward.

Maraming fans ni Ward ang nagalit sa Main Events dahil wala silang nakitang mali sa suntok ng kanilang manok sa laban.  Ayon sa kanila, lehitimong suntok ang dumapo sa bodega ni Kovalev kung kaya tumukod sa laban.

Sumenyas si reperi Weeks na itinitigil niya ang laban sa 8th round dahil inulan na ng suntok si Kovalev na naging dahilan ng pagkalog ng tuhod nito.   Dalawa pang matitinding suntok ang pinadapo ni Ward sa bodega ni Kovalev na lalong nagpangiwi ng mukha ng challenger.

Sa review ng tape, hindi malinaw kung tinamaan nga below the belt si Kovalev ng mga suntok ni Ward.   Pero naniniwala si Duva ng Main Events na may  ebidensiya na nagpapatunay na puwedeng magsampa ng protesta.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nanalo si Ward kay Kovalev.  Noong Nobyembre, sa una nilang pagtatagpo ay ibinigay ang desisyon kay Ward via unanimous decision.   Bagay na inangalan din ng kampo ni Kovalev.   Bagama’t hindi sila nagprotesta, hayagang sinabi nila na dapat ay nanalo si Kovalev.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …