Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, handang hintayin ni JC; Denise, desperado pa rin kay Carlo

SA kagustuhang mapawalang bisa ang kasal ni Shaina Magdayao (Camille) kay  Carlo Aquino (Marco) sa seryeng The Better Half, pinalabas ng una na hindi stable ang pag-iisip niya bagay na ikinagulat ng huli habang dinidinig ang kaso nila sa korte.

Halos lahat ng sinabi ni Carlo/Marco na masaya ang naging pagsasama nila ng asawang si Shaina/Camille noong nagsasama palang sila bago siya nagkasakit ay kabaligtaran lahat ang sinabi ng huli.

Binanggit pa ni Shaina/Camille na hindi siya siguradong mahal niya si Carlo/Marco noong nagpakasal sila dahil nga nag-iiba ang pakiramdam niya at pag-iisip.

Kaya naman noong binalikan ng tanong si Shaina/Camille ng defense lawyer ni Carlo/Marco kung paano siya nakakapagturo  kung may problema siya sa pag-iisip at dito nasukol ang aktres dahil hindi kaagad siya nakasagot.

Anyway, hindi pa rin natapos ang panggugulo ni Denise Laurel (Bianca) dahil lihim niyang dinalaw ang judge na may hawak ng annulment case nina Carlo/Marco at Shaina/Camille para suhulan bagay na tinanggap naman.

Sinigurado lang ni Denise/Bianca na mapapabilis na mapawalang bisa ang kasal nina Carlo/Marco at Shaina/Camille para masolo na ang asawa.

Samantalang si Shaina/Camille ay nangako sa ikalawang asawang si JC de Vera (Rafael) na kahit umabot pa ng Supreme Court ang annulment case nila ng unang asawa ay pagtitiyagaan niyang hintayin.

Bukod sa mga programang My Dear Heart at Pusong Ligaw na umiinit na ang kuwento ay hindi rin binibitawan ng manonood ang The Better Half dahil sa komplikadong sitwasyon ng mga bida.

FACT SHET – Reggee Bonson

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …