Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
jaclyn jose

Jaclyn, sumugod sa opisina ng GMA executives, pagkawala ng D’Originals, kinukuwestiyon

SA taga-ibang estasyon pa namin narinig ang kuwentong ito, hindi sa GMA na pinanggalingan namin.

Totoo nga bang sumugod si Jaclyn Jose sa opisina ng mga GMA executive?

Kilala sa kanyang “underacting,” kung totoo man ito’y tiyak na mahinahon ang ginawang komprontasyon ng de-kalibreng aktres sa mga GMA executive.

Ang dahilan umano ng panunugod ni Jaclyn ay bunsod ng pagkakatsugi sa ere ng programang kinabibilangan niya, ang D’Originals. Reportedly, kinuwestiyon daw ng aktres ang kanselasyon nito gayong hindi ito ang nakasaad sa kanilang kasunduan.

Teka, parang hindi rin namin naramdaman that the said program had gone off air. At kung ito ang collective feeling, malamang sa hindi na ang dahilan ng pagbabu nito sa ere ng wala sa panahon could be attributed to two major reasons: hindi nagre-rate at walang commercial load.

Para sa ilang nakapanood nito, marahil ay hindi ‘yun ang Jaclyn Jose na gustong makita ng mga televiewer. Kahit nga ang kinabilangan niyang A1 Ko Sa ‘Yo, nagsimula’t nagtapos ay parang hindi naman nagmarka sa mga manonood.

For sure, ang hinahanap nila kay Jaclyn ay ‘yung pagganap niya noon bilang kontrabidang mayaman. Remember her role as Donya Charito in 2015?

Given the role na hinahanap ng TV audience, ano ang plano ng GMA para kay Jaclyn na itinuturing pa manding prized possession ng estasyon?

By far ay tatlo sa aming pagkakantanda—sa kasaysayan ng kuwentong panunugod—ang naganap sa bakuran ng GMA. Si Jaclyn kamakailan.

Si Annabelle Rama sa studio noon ng Startalk sa Broadway Centrum at si Robin Padilla sa editing room ng Joaquin Bordado.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …