Tuesday , December 24 2024
money thief

P3-M alahas, cash ng doktora tinangay ng kasambahay

PINAGHAHANAP ang isang kasambahay makaraan tangayin ang P3 mil-yon halaga ng mga alahas at pera ng kanyang among doktora sa Las Piñas City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Rochelle Cabe, 25, tubong Samar.

Salaysay ng biktimang doktora na tumangging isapubliko ang kanyang pangalan, nadatnan niyang hindi naka-lock ang kanyang kuwarto at nawawala ang vault dakong 9:00 pm.

Sa footage ng CCTV ng barangay, nakita ang pagsakay ni Cabe sa tricycle dala ang malaking vault na tinakpan ng tela.

Kahit mabigat, naisakay ni Cabe sa tricycle ang vault sa tulong ng katiwala ng katabing bahay.

Inamin ng doktora na hindi siya nagsagawa ng background check sa kasambahay na dalawang linggo pa lang naninilbihan sa kanya.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *