Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diego at Sofia, inspirado at nagtutulungan

BASE sa tumatakbong kuwento ng Pusong Ligaw noong Biyernes ay inamin na niSofia Andres (Vida) kay Potpot (Diego Loyzaga) na napulot nito ang pera ng huli na gagamitin sana niya sa pang-enrol.

Pero ang masama ay nagastos ng dalaga ang perang hindi kanya kaya nagwawala ang binata dahil nga kailangan na niyang mag-enrol.

Samantala, inaabangan na ang horror movie na Bloody Crayons nina Diego at Sofia na ipalalabas na sa mga susunod na linggo pagkatapos ng Can We Still Be Friends.

Ang Bloody Crayons ay one year in the making dahil nag-back out na ang direktor na si Quark Henares at si Topel Lee ang pumalit bukod pa sa nagkaroon ng re-casting dahil ‘yung iba ay hindi na pumuwede sa schedule na ibinigay naman ng bagong direktor.

Kasama sa pelikula sina Elmo Magalona, Janella Salvador, Ronnie Alonte, Empoy, Maris Rascal, Yves Flores, at Jane Oineza.

Going back to Diego and Sofia, halatang inspirado sa isa’t isa base sa kuwento ng mga taga-production ng Pusong Ligaw dahil nagtutulungan lalo na kapag magka-eksena.

Pero siyempre, hindi pa rin patatalo ang  ibang cast ng Pusong Ligaw pagdating sa pag-arte dahil pagalingan sina Joem Bascon, Bianca King, Beauty Gonzales, atRaymond Bagatsing at take note, hindi nagpapahuli ang komedyanteng si Shalalabilang si Asyong.

Napapanood ang Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …