Monday , December 23 2024

Trump sinopla ng Palasyo (Umepal sa Casino tragedy)

HALOS hindi na makilala ang labi ng lalaking umatake sa Resorts World Manila na sinunog ang kanyang sarili matapos magpaputok at manunog sa loob ng Resorts World na ikinamatay ng 38 katao at ikinasugat ng 78 iba pa, nitong Biyernes bago maghating-gabi. (ALEX MENDOZA)
HALOS hindi na makilala ang labi ng lalaking umatake sa Resorts World Manila na sinunog ang kanyang sarili matapos magpaputok at manunog sa loob ng Resorts World na ikinamatay ng 38 katao at ikinasugat ng 78 iba pa, nitong Biyernes bago maghating-gabi. (ALEX MENDOZA)

SINUPALPAL ng Palasyo si United States (US) President Donald Trump sa mabilis na pagdedeklara na pag-atake ng terorista ang naganap sa Resorts World Hotel and Casino sa Pasay City.

Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Trump ang pakikiramay sa mga Filipino sa pag-atake ng terorista sa Resorts World, kahit wala pang lumalabas na inisyal na resulta ng imbestigasyon mula sa Filipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat itratonang matino ang usapin at mas dapat paniwalaan ang mga impormasyon mula sa mga awtoridad sa bansa kaysa tweets ng nasa abroad.

Ang mga tao aniyang gustong isulong ang sariling interes ay sasamantalahin ang ano mang oportunidad para isakatuparan ito.

“People who are interested in propagating their own position will take advantage of any opportunity to do so. However as has been proven, this particular situation in Manila is not in any way directly linked to terrorist attack. So, we have to approach this thing in a very sober manner, and well… regarding the tweets coming from abroad, I think we should listen to our own people first,” ani Abella.

Katatapos pa lang ng sunog sa Resorts World ay naglabas agad ng pahayag ang US-based Intelligence Group na SITE na ang terorista mula sa  Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang umatake sa hotel/casino.

“An Islamic State (IS) Filipino operative who provides daily updates on the ongoing clashes in Marawi stated that the group is responsible for the attack at Resorts World Manila in Pasay, Philippines,” anang SITE sa kanilang website kahapon ng madaling araw.

Nanawagan si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., sa publiko na huwag hayaan magamit na instrumento ng terorismo sa pamamagitan nang pagkakalat ng mga maling impormasyon gaya ng pagsasabi na terror attack ang nangyari sa Resorts World gayong hindi naman.

“Let us not be unwitting tools of terror by spreading false rumors. Like claiming that the Resorts World is terror-related. Such claims and announcements don’t help,” ani Esperon.

Bagama’t hindi isinasantabi ng mga awtoridad ang kahit katiting na posibilidad na pag-atake ng mga terorista sa Metro Manila, tiniyak ni Esperon na nasa “high alert” ang puwersa ng pamahalaan kaya dapat manatiling kalmado pero alerto ang mga mamamayan at tumulong sa mga kinauukulan.

“We are not discounting possibility of even a small-scale terror attack in Metro Manila. That’s why security forces had been in high alert. Let us be calm but at  same time be alert, ready to help our security forces,” ayon sa top spook.

Batay sa inisyal na ulat ng PNP, pagnanakaw ang motibo ng lone gum man na umatake sa Resorts World at walang indikasyon na terorismo.

Anang PNP, Caucasian at malaki ang katawan ng suspek, English magsalita at armado ng armalite at maigsing baril at may dalawang litro ng gasolina.

Natagpuang sunog ang bangkay ng suspek sa ika-limang palapag ng hotel matapos magpaputok ng warning shots, sinunog ang gaming tables sa ikalawang palapag, ninakaw angchips na nagkakahalaga ng P13o milyon na iniwan sa restroom.

Sinabing kabilang sa 38 katao na namatay sa suffocation sa insidente si Elizabeth Panlilio Gonzales, ang maybahay ni Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *