Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Aktres natuto sa ‘booking’ dahil sa kaibigang personalidad

MARAMI talaga ang nagulat lalo na ang circle of friends ni aktres nang pasukin nito ang flesh industry.

Kasi naman super wholesome ang images ni aktres, at talagang hindi iisipin na magagawa niyang pumatol sa mayayamang matanda at may edad. At talagang hindi siya nababakante dahil mabenta siya sa mga willing na gawin siyang mistress o ikama lang, paano sosyal at matalino.

Well nakatisod kami ng kuwento tungkol sa kung paano natutuhan ng tinutukoy nating celebrity, ang booking business. Turo raw iyon sa kanya ng kaibigang personalidad na hindi lang mga artistang babae ang ibinebenta kundi mga sikat na model at actor din.

BAGONG KAPAMILYA NA
SI RICHARD GUTIERREZ
PASOK SA CAST NG “LA LUNA
SANGRE” NG KATHNIEL

Pinakabagong Kapamilya star na si Richard Gutierrez na nagbabalik sa telebisyon sa paglabas niya sa upcoming epic action romance serye na “La Luna Sangre.”

“Curious talaga ako kung ano ang feeling magtrabaho sa ABS-CBN. Puro magagandang bagay kasi ang naririnig ko tungkol sa network. Ngayon, masaya at excited ako na nabigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho rito,” ani Richard sa naganap na contract signing nitong May 31 sa ABS-CBN kasama ang ABS-CBN COO for Broadcast na si Cory Vidanes, Star Creatives COO na si Malou Santos, Finance head for Broadcast, News at Current Affairs na si Cat Lopez, at talent manager na si Annabelle Rama.

Makakasama ni Richard sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa seryeng “La Luna Sangre” na ididirehe ni Cathy Garcia-Molina. Gaganap siya bilang si Sandrino, ang bampirang supremo at ang nawawalang anak ni Magnus (Jake Roxas). Ano kaya ang magiging papel niya sa buhay nina Mateo (John Lloyd Cruz), Lia (Angel Locsin) at Malia (Kathryn Bernardo)?  Ang “La Luna Sangre” ay pangatlong yugto ng hit fantasy franchise matapos ang “Lobo” at “Imortal” na parehong ginawa sa ilalim ng produksiyon ng Star Creatives.

Bukod sa “La Luna Sangre” gagawa rin si Richard ng pelikula sa Star Cinema na makakasama niya sina Angelica Panganiban at dating ka-loveteam na si Angel Locsin.

Pakaabangan ang “La Luna Sangre” soon sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …