INANUNSIYO na ni Starcinema Chief Operating Officer, Malou Santos na si Liza Soberano na ang gaganap na Darna sa pelikula na ididirehe ni Erik Matti na ipalalabas sa 2018.
Yes Ateng Maricris, hindi pang Metro Manila Film Festival ang pelikula dahil hindi aabot sa rami ng effects at ayaw naman itong madaliin ni direk Matti.
Bukod dito ay dadaan sa matinding training si Liza base sa aming source kaya nga hindi na pumuwede si Angel Locsin.
Ilang taon ding hinintay ng lahat kung sino na ang Darna dahil nag-give way na si Angel base na rin sa payo ng doktor na kapag itinuloy ng aktres ang paglipad ay baka maging baldado na siya.
Trulili kaya ang tsika ng aming source na sa umpisa palang ay si Liza na ang gaganap na Darna dahil sa back story sana ay ipapasa ni Angel sa una ang bato?
At dahil hindi na nga kaya ni Angel ang lumipad kaya wala ng back story at si Liza na ang all throughout Darna sa pelikula.
May isa pang kuwento ang aming source, “’yung gaganap na Ding ang hindi pa napipili, may pa-audition pa. Pero kasama sina Anne Curtis at Iza Calzado as villain. I’m not sure what will be there role, pero definitely, kontrabida.”
RICHARD SA PAGLIPAT SA DOS:
I THINK THERE IS REALLY
GOOD PATH FOR ME, FROM LSS
TO STAR CINEMA MOVIE
ANG tarush ni Richard Gutierrez dahil may sarili siyang presscon pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kahapon.
Ang kontrata ni Richard sa ABS-CBN ay kasama siya sa fantaseryeng La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at pelikula sa Starcinema na may titulong Wife Husband Wife kasama sina Angel Locsin at Angelica Panganiban.
Tinanong muna si Richard kung paano ang naging negosasyon niya sa Kapamilya Network.
“As we all know naman, I’ve been away from the limelight for a while now and I really chose that path and I needed that to grow as a person, as man, to spend time with my kid and family. I needed that time to be away, it really help me a lot. Now I’m back, now I’m ready, I’m energized and focus, I know myself better now, so perfect timing ‘yung nangyari.
“I was on a vacation with my family when I heard the news, so the moment I got back from that vacation, I had to hit the gym right away (natawa), but yeah, the timing was perfect and everything went into place perfectly and I believe that it’s a blessing, I believe that God won’t give me this blessing if he knew that I wasn’t ready and he gave it to me now ‘coz I’m ready. That time away from the limelight helped my character and helped who I am today,” pahayag ni Richard.
At noong banggitin na isasama siya sa La Luna Sangre, “very vague kasi ‘yung naging usapan but when I read the script, the storyline and the character, description, I knew right away that this project is perfect to be portrait a vampire was always a dream of mine as an actor and doing something like this as my first project in ABS-CBN, I think there is really good path for me. And after that, nanganak ‘yung offer, nagkaroon ng pelikula with Angel (Locsin), so another blessing, so I had to push the treadmill button harder, lift heavier and prepare better.”
Sa tanong kung okay lang kay Richard na sumuporta sa loveteam nina Daniel at Kathryn na bida sa LSS, “Now that I grow as a man, I don’t really look at it that way. I look at it in a way that I have a good project, it’s a good role for me, and I’m working together with the best team and were going to offer the audience something great and something new.
“For the young love team (KathNiel), I will support them kasi pinagdaanan ko rin ‘yun. I had people supporting my back before so it’s my time to give back,” magandang paliwanag ni Richard.
Sa tanong kung malaki ang papel ni Richard bilang si Sandrino na hari ng mga bampira ay walang idea ang aktor.
“I guarantee you the first week that I shot so far, napakahusay po ng team na nakatrabaho ko, sina direk Cathy Garcia-Molina and her team, pati ‘yung stunt choreographer namin, si direk Ace from Singapore talagang napakahusay.”
Hindi naman katapat ng La Luna Sangre ang Mulawin vs Ravena, pero hiningan ng reaksiyon ang aktor kung sakaling magkatapat sila gayung minsan ay naging bida siya rito.
“I knew this question would somewhat come along. I’m thankful for GMA what has done for me throughout the years that I worked with them, they shaped who I am, but as an individual, as an actor where I am today. I’m thankful but I’m also looking ahead.
“You know, in the entertainment industry especially here in the Philippines, you just had to give your best. I’m in the position now where I can give my best to them, entertain audience sa rami ng problema ng Pilipinas you know, they can escape 30 minutes to an hour, so that’s my goal, that’s my purpose kung anuman ang pagtanggap, kung sinuman ang competitors, I’m just gonna give my best in this project,” pangangatwiran ni Richard.
DIREK PRIME, KINABAHAN
KINA GERALD AT ARCI
ISA kami sa natutuwa for direk Prime Cruz na una naming nakilala at nakausap sa press screening ng pelikulang Manananggal sa Unit 23B sa ginanap na Quezon City Film Festival 2016 noong nakaraang taon.
Bale ikalawang pelikula noon ni direk Prime ang Mananaggal sa Unit 23B at nauna ang Sleepless (2015) na kasalukuyang ipinalalabas ngayon sa SM Cinemas for Cine Lokal na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro, Dominic Roco, at TJ Trinidad.
Hindi namin napanood ang Sleepless kaya wala pa kaming masasabi, pero sa Manananggal sa Unit 23B ay talagang nagustuhan namin dahil millennial nga ang pagkakadirehe pati choice of songs ni direk Prime ay ang gaganda rin as in.
May hamon pa nga kami noon sa Starcinema kung bakit hindi pumasa sa kanila ang mga idea ni direk Prime gayung sa kanila naman pala nagsimula bilang brain stormer at naging writer ng mga programang Matanglawin, Simply KC, at Pinoy Big Brother.
Marahil ngayon ay malaki na ang tiwala ng Starcinema sa millennial directors kagaya nina Jason Paul Laxamana at Dan Villegas na parehong kumita ang mga pelikula nilang The Third Party at Always Be My Maybe.
Kaya ang ikalawang pelikula nina Gerald Anderson at Arci Munoz na Can We Still Be Friends pagkatapos ng Always Be My Maybe ay kay direk Prime na ipinagkatiwala at isinulat naman ng girlfriend niyang si Jen Chuansu.
Kuwento nga ni direk Prime sa grand presscon ng CWSBF, “pinaka-first job ko po right after graduation (Ateneo de Manila) ay sa Concept Development Group (CDG) ng Star Cinema. Tapos after kong gumawa ng two indie films, tinawagan po nila ako na mag-pitch ng story. May nakabangko ho kasi kaming story ni Jen tapos nag-pitch kami ng tatlo o apat na concepts tapos ito ‘yung pinaka-nagustuhan nila kaya ito ‘yung idinevelop namin.”
Sa unang araw ng shooting nina ‘Ge at Arci ay inamin ng batang direktor na sobrang kabado siya.
“Siyempre, noong first day sobrang kabado, ganyan. Tapos siyempre, iniisip mo rin ‘yung mas maipalalabas siya sa mas maraming tao.
“Na-starstruck po talaga ako at saka alam kong hit ‘yung last movie nila (‘Always Be My Maybe’). Tina-try ko na lang siyang huwag isipin, kasi ‘pag inisip mo na ‘yon (may) pressure ‘di ba?
“Pero ako, enjoy naman po kasi and surprisingly, hindi naman pala sila nakai-intimidate kapag nasa set na. Very collaborative sila and fun naman po.
“Sobrang happy po ako with the cast, totoo! Kasi, tina-try talaga nila, collaboration talaga.
“Ako po kasi, naniniwala ako na ‘yung naiisip mo, at saka ‘yung nakasulat, may sariling take roon ‘yung actor. Kaya sa set laging tinatanong even after the take na, ‘Ano sa tingin mo?’
“Tinatanong ko sila kung anong mas naramdaman mo, bakit mo ginawa yan, ba’t naging ganito ‘yung desisyon mo? For me kasi, ang actor part sila ng pag-build ng character.
“Para kasama ko sila sa decision-making process, kung ano ‘yung ima-mark ko na good take,” mahabang paliwanag ni direk Prime.
At dahil nakilalang millennial director si Prime ay hindi naman para lang sa mga kabataan ngayon ang pelikulang Can We Still Be Friends, makare-relate rin ang mga may edad na.
“Ako po personally, ayokong isipin na for certain audience lang siya. Siguro naikuwento ko lang ‘yung naramdaman ko, naranasan ko.
“Tapos parang masaya lang po, parang nag-stick lang ako sa story talaga and not really trying to cater to certain audience,” paliwanag ulit ng batang direktor.
Ang kuwento ng CWSBF ay inspired sa kaibigan nina direk Prime at Jen na pumayag naman na gawin itong pelikula.
Mapapanood na ang Can We Still Be Friends sa Hunyo 14 nationwide mula sa Starcinema.
FACT SHEET – Reggee Bonoan