Monday , December 23 2024

Prenteng NGOs ng ISIS buking na

052917_FRONT

PRENTE ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang ilang non-go-vernment organizations (NGOs) na nakapasok sa bansa na nagpapanggap na nagbibigay ayuda at nagsasagawa ng mga proyekto.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) Spokesman B/Gen Restituto Padilla sa press briefing sa Davao City kamakalawa, kaugnay sa presensiya ng fo-reign terrorists sa Marawi City.

Aniya, bukod sa paki-kisalamuha sa tablighs o mga nagpapakalat ng mga aral ng Islam, may mga lehitimong prente ang mga teroristang ISIS gaya ng mga grupong nag-aalok ng tulong at maglulunsad ng proyekto sa iba’t ibang lugar.

Hindi tinukoy ni Padilla ang mga grupong ginagamit na prente ng ISIS sa Filipinas upang hindi madiskaril ang diskarte ng pamahalaan sa pagsugpo sa teroristang grupo.

“Many ways not only that. There are legitimate covers of people supposedly offering assistance, creating projects here and there and the like. I cannot go to the specifics so that we do not communicate our punches,” ani Padilla.

Batay sa Veterans Today website,  ang NGOs na pinopondohan ni Hungarian-American billionaire George Soros gaya ng Open Society Foundation ang umano’y ginagamit na prente ng ISIS upang pilayin ang impluwensiya ng Russia sa ibang bansa.

“His organization has recently been caught conducting covert operations designed to destabilize Russia. Here is an interesting quote from the leaked files of Soros’ Open Society Foundation:

“Our inclination is to engage in activities and with actors that will understand and counter Russian support to movements defending traditional values… Naming and shaming from us is problematic: we are also in the business of channeling money into other countries for political purposes.”

Nauna nang inamin ni Solicitor General Jose Calida, ang deklarasyon ng batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil ang nagaganap sa Min-danao ay hindi rebelyon lang ng mga Filipino kundi pananakop ng foreign terrorists na tumalima sa panawagan ng ISIS na magtungo sa Filipinas kapag nahirapan magpunta sa Iraq at Syria, at magtatag ng Islamic state o Daulah Islamiyah.

“What’s happening in Mindanao is no longer a rebellion of Filipino citizens. It has transmogrified into invasion by foreign terrorists who heeded the clarion call of the ISIS to go to the Philippines if they find difficulty in going to Iraq or Syria.The dream of the Maute group, which has pledged allegiance to the ISIS and to its flag, is to transform Mindanao into an Islamic state or in their language Daulah Islamiyah,” ayon kay Calida

Si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon ang idineklara ng ISIS bilang emir o pinuno sa Fi-lipinas, sabi ni Calida.

Ang tangkang pagdakip ng mga awtoridad kay Hapilon sa Marawi City noong Martes ang naging sanhi nang pag-atake at pagkubkob ng Maute/ASG/ ISIS sa siyudad na nagbigay daan sa dekla-rasyon ng martial law sa buong Mindanao.

Matatandaan, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na ang Maute Group ay sinimulan ng Maute brothers na dating mga pulis sa Maynila, na sangkot sa illegal drugs.

Bumalik aniya sa Mindanao ang magkapatid at doon pinayabong ang ilegal na negosyo at nagtayo ng malalaking shabu factories sa Lanao del Sur.

Ang kita sa illegal drugs ang ginagamit ani-yang pondo ng Maute Group sa paghahasik ng lagim sa rehiyon hanggang makipag-ugnayan sa te-roristang ISIS at ASG.

ni ROSE NOVENARIO

16 SIBILYAN NATAGPUANG
PATAY SA MARAWI CITY

NATAGPUAN ng mga awtoridad ang walong bangkay ng kababaihan at mga bata nitong Sabado ng gabi, at walong bangkay ng kalalakihan ang natagpuan sa ibang lugar nitong Linggo ng umaga, habang tumitindi ang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at teroristang Maute-ISIS sa Marawi City.

Ang lahat ng mga biktima na natagpuang sa magkahiwalay na lugar ay pawang mga sibilyan, ayon sa ulat,

Sinabi ni Armed For-ces of the Philippines spokesperson Brig. Gen. Restituto Pandilla, ang unang grupo ng mga bangkay ay natagpuan 300 metro ang layo mula sa Mindanao State University nitong Sabado ng gabi.

Aniya, inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima upang maabisohan ang kanilang mga kaanak.

Habang nitong Linggo ng umaga, ang natagpuang walong kalalakihan ay sama-samang nakagapos, habang patuloy ang “surgical operations” ng militar sa ikalimang araw.

Ang mga bangkay ay natagpuan sa isang kanal sa Brgy. Matampay.

Sinabi ng dalawang babae, ang walong kalala-kihan ay mga empleyado sa isang panaderya sa lungsod.

Sa tabi ng mga bangkay ay may natagpuang karton na may nakasulat na Arabic word na “munafiq,” ang ibig sabihin ay mga ipokrito.

Samantala, sinabi ni Padilla, ang pangunahing prayoridad ng mga tropa ng gobyerno ay maubos ang Maute group sa lungsod at masagip ang mga residenteng na-trap sa sagupaan.

Patuloy ang military clearing operations magmula nang kubkubin ng ISIS-inspired Maute group ang lungod nitong 23 Mayo, nagresulta sa pag-dedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong Mindanao.

41 MAUTE MEMBERS
UTAS SA MILITARY OPS

UMABOT sa 41 miyembro ng Maute group at 13 miyembro ng mga tropa ng gobyerno ang bilang ng mga namatay sa patuloy na operasyon sa Marawi City, iniulat ng militar nitong Sabado ng gabi.

Sinabi ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesperson ng Philippine Army’s 1st Infantry Division, 31 bangkay ng Maute members ang narekober ng mga tropa.

Ayon kay Herrera, bukod sa 13 sundalong napatay, 45 ang nasugatan sa panig ng pamahalan.

Aniya, 16 high-po-wered firearms ng Maute group members narekober.

Sa Marawi City
42,000 RESIDENTE
LUMIKAS, MILITARY
OPS PATULOY

UMABOT 42,000 katao ang lumikas habang patuloy ang operasyon ng mga awtoridad laban sa Maute group sa Marawi City.

Sa ulat nitong Linggo, sinabi ng ARMM Crisis Management Committee, may kabuuang 42,142 katao ang lumikas hanggang 5:00 pm nitong Sabado.

Kabilang sa nasabing bilang ang 30,602 katao o 6,299 pamilya na nananatili sa evacuation center, at 11,540 “home-based internally-displaced persons.”

Iniulat din ng ARMM Crisis Management Committee, na may kabuuang 2,279 katao ang nananatiling “stranded” sa 25 barangay sa Marwi City.

Hindi mabilang na miyembro ng Maute group ang kumubkob sa Marawi City nitong nakaraang Martes, sinunog ang ilang mga gusali at pumatay ng mga sibilyan.

Ang pag-atake ay nagbunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa martial law ang buong Mindanao.

Patuloy ang tumitin-ding operasyon ng militar at pulisya upang masugpo ang Maute group sa lungsod.

Isinara ang entry at exit points sa lungsod upang mapigilan ang mga miyembro ng Maute sa pagtakas.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *