Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diego, pinayuhan ni Teresa na tumahimik na

BUWAN din ng Mayo ang kaarawan ni Diego Loyzaga na sumabay sa ginanap na 25th anniversary ng Star Magic noong Linggo.

Nag-post ng litrato ang aktor sa kanyang IG account kasama ang kapatid na si Angelina na may caption, “Sobrang saya at suwerte ko nai-celebrate ko ang kaarawan ko ngayong araw kasabay ng 25th anniv ng Starmagic sa Araneta. What made it even better is that i got to perform with my sister @angelinaisabeledefinitely made my day love you, Butching! Salamat din sa lahat ng bumati. Sa @asapofficial @starmagicphils fam!”

Iisa ang tanong ng lahat, bumati rin kaya ang ama ni Diego na si Cesar Montano?

At kaya pala tumahimik na si Diego sa kaka-rant niya sa social media tungkol sa sama ng loob niya sa ama ay dahil sa payo ng inang si Teresa Loyzaga.

Kuwento ni Teresa sa guesting niya sa Magandang Buhay.

“Huwag naman nating sabihing problema. Nagkaroon lang ng not even conflict, eh. Gusto kong sabihin, iwan na natin sa kanila ‘yun.

“Kung anuman ang nangyari, sila rin mag-aayos niyan. Kasi, the more we meddle, pakialamero lang ang labas natin. Hindi naman natin maaayos. Ang makaaayos, sila rin,” paliwanag ng aktres.

Mensahe ni Teresa sa anak, “be quiet. Just be quiet. I know you’re affected, but be quiet. Kasi it means less error. Mas konti sasabihin, mas konti pagkakamali. Tumahimik ka na lang.

“Lilipas din lahat ‘yan. Nailabas mo na, e. One point ka na, tama na. At saka alam naman natin na mahal siya ng tatay niya. Naniniwala ako du’n.”

Hindi naman nagsalita noon si Teresa habang mainit ang isyu dahil, “ang akin lang, I cannot wait for all of these to die down and for people not to meddle. Pero hindi mo naman maalis sa tao ‘yun, gusto nilang to give their two cents.

“Pero I think normal lang sa tao, so hindi ko sila masisi. Sana ang gawin na lang natin, let’s pray na maayos. Lahat naman maaayos in time. Let’s not push it. Huwag natin silang pilitin,” pangangatwiran ng dating karelasyon ni Cesar.

Samantala, napapansin ng netizens ang husay sa pag-arte ni Diego sa seryeng Pusong Ligaw kaya naman proud mama si Teresa.

Nakatutuwa rin ang aso’t pusang relasyon nina Diego at Sofia Andres sa nasabing serye.

Mapapanood ang Pusong Ligaw kasama sina Bianca King, Beauty Gonzales, Joem Bascon, at Raymond Bagatsing pagkatapos ng It’s Showtime.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …