Wednesday , May 7 2025

Surgical ops, gagamitin vs Maute sa Marawi City

MOSCOW, Russia –  HINDI mangingimi ang militar na maglunsad ng “surgical operations” laban sa teroristang Maute Group na kumubkob sa Marawi City kahapon.

Ito ang sinabi kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kasunod nang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.

“When opportunity presents itself,” ani Esperon.

Ang  ”surgical operation” ay nangangahulugan na tukoy ang targets at babagsakan ng bomba ng FA-50 jets ng militar gaya ng ginawa noong Enero sa Lanao del Sur sa kuta ng Abu Sayyaf Group, na ikinasugat nina Isnilon Hapilon, at magkakapatid na  Abdullah, Omar and Otto Maute, at iba pang dayuhan na kasapi nila.

“We are inserting two recon companies asap. Ranger and light reaction coy ( our Delta force in SOCOM),” ani Esperon sa la-test directive sa AFP.

Binigyan na nina Espe-ron at Defense Secretary Delfin Lorenzana ng update si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa official visit dito.

Wala aniyang balak na putulin ni Pangulong Duterte ang pagbisita rito na nakatakdang matapos sa 26 Mayo.

Tiniyak ni Esperon na kontrolado ng estado ang sitwasyon at ginagawa ang lahat ng paraan upang maiwasan may mapinsalang sibilyan sa operasyong mi-litar. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

No Firearms No Gun

Para sa mapayapang eleksiyon  
GUN BAN PINAIGTING 360 BARIL KOMPISKADO 356 SUSPEK ARESTADO SA CENTRAL LUZON

ni Micka Bautista BILANG bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng gun ban ng Commission …

Arrest Posas Handcuff

Pusakal na karnaper arestado, nakaw na motorsaklo narekober

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa malawakang pagnanakaw ng …

Rubber Gates Bustos Dam Bulacan

Panawagan sa pamahalaang nasyonal at NIA  
RUBBER GATES NG BUSTOS DAM PALITAN NG ESTANDARISADONG MATERYALES – BULACAN PROVINCIAL GOVERNMENT

PRAYORIDAD ang kaligtasan ng mga Bulakenyo kaya nang masira ang isa sa mga gate ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *