Monday , December 23 2024

Duterte itutumba ng CIA (Dahil sa independent foreign policy)

052417_FRONT
MOSCOW, Russia –  INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na may plano ang Central Inteligence Agency (CIA) ng Amerika na ipatumba siya dahil sa pagpapatupad ng independent foreign policy na mas nakakiling sa China at Russia kaysa Uncle Sam.

“They do it. Does it surprise you? They can even take the president out of his country for him to face trial in another country,” sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Maria Finoshina ng Russian TV.

Paliwanag ng Pangulo, hindi siya kalaban ng Amerika, sa katunayan ay kaibigan niya si US President Donald Trump ngunit ang kanyang fo-reign policy ngayon ay palayo sa Kanluran dahil hindi ito tumutupad sa mga usapan.

Tinanggihan niya ang $200-M ayuda ng European Union (EU) na may kaakibat na pakikialam sa Filipinas.

“I have nothing against America. They’re perfectly alright. Trump is my friend. But my foreign policy has shifted from the pro-Western one. I am now working on alliance with China, and I hope to start a good working relationship with Russia. Why? Because the Western world, the EU, and everything – it’s all this double talk. So, the EU granted us 200 million, and this grant carried with it a condition that this money would be used to improve the human rights, and so on and so forth. I said, “No. I don’t need it,” anang Pangulo.

Inamin ni Pangulong Duterte, tinanggihan niya ang imbitasyon ni Trump na bumisita siya sa Amerika dahil sa kanyang busy schedule.

Matatandaan, ilang beses nang binatikos ng Pangulo ang US sa pagpapanggap na kontra sa human rights violations ngunit walang patumangga kung sakupin o atakihin ang ibang bansa gaya ng Panama, Iraq, Afghanistan, Libya at Syria, na ikinamatay ng milyon-milyong katao.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *