Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magdyowang karnaper/holdaper arestado sa QCPD

POSITIBONG kinilala ng taxi driver na si Ronidel Bañez, sa harap nina QCPD director, C/Supt. Guillermo Eleazar, at Supt. Christian dela Cruz ng Galas Station 11, sina Jade Bertoldo at Jessa Lopez, na siyang humoldap sa kanya sa Brgy. Doña Mariana, Quezon City. (ALEX MENDOZA)
POSITIBONG kinilala ng taxi driver na si Ronidel Bañez, sa harap nina QCPD director, C/Supt. Guillermo Eleazar, at Supt. Christian dela Cruz ng Galas Station 11, sina Jade Bertoldo at Jessa Lopez, na siyang humoldap sa kanya sa Brgy. Doña Mariana, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang live-in partners matapos mabigong tangayin ang isang taxi na kanilang hinoldap sa Brgy. Doña Mariana, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Iniharap ni QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, sa media ang dalawang suspek na sina Jade Bertoldo, 18, at Jessa Lopez, 23, kapwa nakatira sa Denmark St., Tandang Sora, Quezon City.

Habang ang biktimang taxi driver ay kinilalang si Ronidel Bañez, 23, ng Meycauyan, Bulacan.

Ayon kay Bañez, sumakay ang dalawa sa kanyang taxi  sa harapan ng UERM Memorial Hospital sa Magsaysay Blvd., Quezon City, at nagpahatid sa Tandang Sora.

Habang binabaybay nila ang 14th St., New Manila sa Brgy. Doña Mariana, papuntang Tandang Sora, biglang kinor-yente ni Lopez sa leeg ang driver gamit ang improvised electric pen, habang sinasaksak ni Bertoldo ang biktima ngunit nasalag ni Bañez.

Bagama’t sugatan, itinabi ni Bañez ang taxi at mabilis na lumabas.

Tinangkang paandarin ng babae ang taxi ngunit nabigo siya kaya nagpasya ang mga suspek na lumakad na lamang palayo.

Makaraan ang ilang minuto, iniulat ng isang residenteng nakasaksi sa krimen, ang insidente sa nagpapatrolyang police mobile car, na mabilis na nagresponde kaya naabu-tan ang mga suspek.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …