Monday , December 23 2024
(photo courtesy of Bureau of Corrections)

Napoles ‘di suportado ng Palasyo — Panelo

HINDI naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na inosente si Janet Lim-Napoles sa mga kasong kinakaharap kaugnay sa pork barrel scam.

“The President has not made an opinion on that [matter],” ani Chief Pre-sidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Sa isang panayam, inihayag ni Atty. Stepehen David, abogado ni Napoles, na kombinsido ang Pangulo na inosente si Napoles.

Ani Panelo, hindi nakikialam si Pangulong Duterte sa hudikatura at nakatuon ang pansin sa pamahahala sa bansa.

“We don’t even know if the President knows that person (David). He  does not interfere in judicial process because his focus is on executive tasks,” dagdag ni Panelo.

Kaugnay nito, binigyan-diin ni Panelo, iginagalang ng administrasyon ang ano mang desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales kaugnay sa kaso ni Napoles.

“Under the law, it’s the Ombudsman who will prosecute the case, it should prevail,” ani Panelo.

Nauna nang tiniyak ni Morales na haharangin niya ang planong gawing state witness si Napoles.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *