Monday , December 23 2024

Relasyong Ph-China pinuri ni Putin (3-4 taon paglilinis hiniling ni Duterte)

051517_FRONT
HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na bigyan siya ng tatlo hanggang apat taon upang malutas ang mga problema sa graft, korupsiyon, at illegal drugs sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa libo-libong OFWs sa Hong Kong kamakalawa, tiniyak ng Pangulo na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat upang maengganyo ang Filipino professionals na bumalik sa bansa at iambag ang kanilang abilidad para umunlad ang bansa.

“Give me time. Three to four years… Four years okay talaga tayo,”  anang Pangulo sa Filipino community sa Regal Airport Hotel.

“As I say, I will not allow my country to go to the dogs. With that kind of situation, mga three to four years puwede na ka-yong makauwi niyan. Invest in some business,” aniya.

Binigyan-diin ni Pangulong Duterte, ang magandang relasyon ng Filipinas at China ang nagbigay-daan sa iba’t ibang investments na lilikha ng napakaraming trabaho.

“This is the strategy of President Xi Jinping for the prosperity of maybe in this region, the ASEAN community and throughout the world. Mainly because, I think, there… heads of state attending this meeting and I was one of those lucky to be invited. I’m sure that mapag-uusapan namin doon would really be how to improve the economy of the world,” anang Pangulo.

Muling inihayag ng Pa-ngulo, lumalarga na ang proseso para gawing OFW Bank ang Postal Bank para sa isang banko na lang ipa-dadala ng mga migranteng Filipino ang kanilang remittances.

Dumalo kahapon si Pangulong Duterte sa Belt and Road Forum sa Beijing at sa talumpati ng Chinese president ay nangako siya na maglalaan ng $124-B para para pondohan ang mga proyektong pang-impraestruktura sa Asya, Europa at Africa upang isulong ang multilateral trade system sa buong mundo.

Nagtungo rin sina Russian President Vladimir Putin, Turkish President Recap Tayyip Erdogan at United Nations Secretary-General Antonio Gutierres at pawang pinuri ang makabagong paraan u-pang palakasin ang globa-lisasyon.

“We should demonstrate to the world community an example of another approach, one that considers equality, respect for sovereignty,” ani Putin sa kanyang talumpati.

PCG OFFICERS
IPINADALA SA CHINA

COAST GUARD SECURITY OPERATION. Bilang pagha-handa sa ASEAN Summit, nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng Coast Guard Security Operation sa paligid ng Manila Bay para sa seguridad ng nasabing malaking pagtitipon kasama ang mga delegado mula sa iba’t ibang bansa. (BONG SON)
COAST GUARD SECURITY OPERATION. Bilang pagha-handa sa ASEAN Summit, nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng Coast Guard Security Operation sa paligid ng Manila Bay para sa seguridad ng nasabing malaking pagtitipon kasama ang mga delegado mula sa iba’t ibang bansa. (BONG SON)

IPINADALA ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 nilang tauhan sa China para sa dalawang linggong pagsasanay, sa pamumuno ng Chinese Coast Guard.

Ang pagsasanay na isasagawa sa Ningbo City, Zheijang province, ay gagawin mula 4-20 Mayo.

Kalahati ng PCG men na ipinadala sa China ay legal officers na dadalo sa China-Philippine Coast Guard Legal Affairs seminar.

Habang ang kalahati ay PCG officers na lalahok sa Junior Officers Law Enforcement Training Course.

Kabilang sa mga paksang tatalakayin sa 17-day program ay maritime law enforcement, search and rescue, and communication.

Sinabi ni Commander Armand Balilo, PCG spokesperson, ang pagsasanay ay may kaugnayan sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang kooperasyon ng China at Filipinas.

Aniya, ang pagpapalitan ng kaalaman ng Chinese at Philippine Coast Guard ay inaasahang magpapabuti sa pagkakaibigan at pagtitiwala ng dalawang bansa sa kabila ng alitan sa South China Sea.

Habang ang PCG men, ay magkakaroon ng pagkakataon na mabisita ang regional unit ng China Coast Guard, at mga lungsod ng Shanghai at Ningbo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *