AND baby got three!
Wagi ang mga Pinoy sa idinaos na AIFFA 2017 sa Kuching Sarawak Malaysia noong week-end!
At umani ng tagumpay si Madam Baby Go dahil dalawa ang nakuhang award ng kanyang Area (Best Actress kay Ai Ai delas Alas at Best Director kay direk Louie Ignacio), at Best Supporting Actress naman kay Ana Capri para sa Laut.
Siyam na pelikula ang sumali at 18 ang may nominasyon. Anim ang awards kabilang din ang Best Supporting Actor (Ricky Davao for Dayang Asu received by FDCP Chairman Liza Diño Seguerra); Best Editing (Lawrence Fajardo for Imbisibol received by Bernardo Bernardo, Onyl Torres and Allen Dizon); at Special Honor Award for Lav Diaz para sa The Woman Who Left (Ang Babaeng Humayo) na tinanggap ni Ronald Arguelles.
Si Nora Aunor ang isa sa nag-abot ng karangalan sa tinalo rin niyang Lifetime Achievement Award noong 2015-kay Tan Sri Lakshmanan Krishnan. Naging presentor naman ang Best Actress para sa Sonata noong 2015 na si Cherie Gil. Nagbigay ng mensahe si Jaclyn Jose tungkol sa The Road to Cannes. Presentors din sina Benjamin Alves at Marlo Mortel. Nag-host naman sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez. At nag-perform naman with Malaysian singer and actress na si Fazura si Jason Dy.
May 38 ang delegado ng Pilipinas na hanggang ngayon ay may AIFFA 2017 fever pa including this columnist!
Mabuhay ang pelikulang Filipino!
Kabilang sa mga nakatunggali ng ating Pinoy artists at nagwagi sa ibang kategorya ay nagmula sa Malaysia, Laos, Myanmar, Vietnam, Singapore, Indonesia, Cambodia, at Thailand.
Ang mga jury naman ay mula sa Malaysia (head), Australia, Brunei, Indonesia, at Pilipinas (Raymond Red).
Kada dalawang taon na natutuwa ang festival director nito na si Livan Tajang dahil dumarami ang mga pelikulang sumasali sa prestihiyosong festival this side of Asia.
At naganap ang pag-break sa record nila ng attendees in an event donned in cat costumes sa Guinness Book of World Records pati na ang pagkakaroon ng pinakamamabang banig o mat sa buong mundo!
Ang idol natin sa IP Man, Rouge One: A Star Wars Story, The Lost Bladesman, at Crouching Tiger Hidden Dragon na si Donnie Yen ang binigyan ng ASEAN Inspiration Award na ipinagkaloob na rin kina Michelle Yeoh (2013) at Jackie Chan (2015).
HARDTALK – Pilar Mateo