Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Producers na kasali sa MMFF, sinusulot ni DiÑo para sa PPP

PAGKATAPOS ng dayalogo ng producers at Metro Manila Film Festival Execom noong Martes may tumawag sa amin at ikinuwentong nakatanggap sila ng tawag mula sa opisina ni Ms. Liza Diño, ng Film Development Council of the Philippines o FDCP na mag-submit sila ng entries para sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino sa  Agosto 16-22.

Miyembro ng MMFF Execom si Dino, pero bakit parang sinusulot o inuunahan niya ang MMFF sa Disyembre? Hindi ba conflict of interest na matatawag iyon?

Bukod sa PPP, project din ni Liza ang on going CineLokal festival na palabas sa lahat ng SM Cinemas na bilang lang sa daliri ang mga nanonood dahil pawang mga luma naman ang pelikulang ipinalalabas at ‘yung iba ay napanood na sa DVD.

Hindi ba lugi ang SM Cinemas dito?

Anyway, ang Pista ng Pelikulang Pilipino na ipalalabas sa Agosto ay tag-ulan at higit sa lahat, sigurado bang tatangkilikin ito ng tao dahil kagagaling lang nila sa malaking gastusan tulad ng enrollment at iba pa?

Kaya paano makasisiguro ang film producers na mababawi nila ang puhunan?

Hindi katulad ng MMFF tuwing Disyembre na maraming pera ang mga tao dahil sa Christmas bonus at ang mga bata mula naman sa napamaskuhan nila.

Baka naman may magandang paliwanag si Dino tungkol dito?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …