Monday , May 5 2025

Napoles walang lusot sa plunder (Naabsuwelto man sa illegal detention)

HINDI hihina ang mga kasong plunder laban kay pork barrel scam queen Janet Napoles kahit inabsuwelto siya ng Court of Appeals sa kasong illegal detention, na isinampa laban sa kanya ni Benhur Luy.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, may iba pang testigo na susuporta sa testimonya ni Luy laban kay Napoles sa mga kasong may kinalaman sa P10 bilyon pork barrel scam kaya walang epekto ang paglusot sa kanya ng CA sa illegal detention case.

“Certainly, the government has a very strong case against her. Moreover, the [serious] illegal detention [case] against her has nothing to do with the plunder case filed against her,” ani Panelo.

“In the illegal detention cases, while the court might not have believed him, in the plunder cases, it’s not only him being presented. Meaning to say, there will corroborative evidence, whether in the form of documents or corroborative witnesses. If Benhur Luy will testify in court and it could be corroborated by other witnesses, supported by do-cuments, then he becomes credible, insofar as plunder cases are concerned,” dagdag niya.

Tiniyak ni Panelo, walang ”sweetheart deal” si Napoles at gobyernong Duterte hinggil sa pagrepaso sa pork barrel cases at ang dahilan nito’y upang mapanagot din ang ibang sangkot na hindi nakasuhan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *