Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, hindi mahilig mag-shopping kapag nangingibang bansa

PINURI ni Jodi Sta. Maria ang leading men niya sa pelikulang My Other Selfdahil maski mas bata sa kanya ay parehong professional.

“Mas bata nga sila kaysa akin, pero ‘yung level of maturity naman ng dalawang lalaking ito ay hindi naman nalalayo sa akin. Hindi ko kailangang mag-adjust sa kanila (Xian at Joseph), sobrang blessing nga kasi pinadali nila ang buhay ko, dumarating sila sa set na alam na nila ang gagawin nila, and I think professionalism is very important, nasa kanila ‘yung qualities na ‘yun.”

At nabanggit ni Jodi na nagtagisan ng abs sina Xian at Joseph.

Sino ang may magandang abs at anong reaksiyon ng aktres sa mga nakita niya.

“Wala naman (akong) malisya, may mga bagay na kailangan mo lang gawin para sa eksena, hindi ko na-appreciate ko ‘yung mga pandesal (abs), pero na-appreciate ko ‘yung process kung paano niya nakuha ‘yung pandesal, it takes a lot of determination and time to keep your body fit,” nangingiting sagot ni Jodi.

Naikuwento rin na kapag nangingibang bansa pala si Jodi ay hindi siya namimili katulad ng ibang artista, mas interesado siya mga tao at kultura ng bawat bansa.

“Wala akong favorite place na puntahan kasi bawat bansa na puntahan ko, iba-iba ‘yung inio-offer nila, iba-ibang kultura, iba-ibang mga tao, so wala akong paborito.

“Hindi ko rin masyadong nae-enjoy ang shopping, ‘yung mga taong nakakakilala talaga sa akin, alam nila na when I go out of the country, talagang ini-skip ko ‘yung shopping part.  Mas gusto kong ma-immerse ‘yung mga buhay ng mga tao roon, ‘yung kultura nila, ‘yung history nila at kahit naman dito, hindi ako (ma-shopping),” kuwento ng aktres.

Ang My Other Self ay tungkol sa kuwento ng babaeng nakipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa responsibilidad nito at naiba ang tahakin niya sa buhay ng makilala niya sina Xian (Henry) at Joseph (Chris) na magkaiba ang personalidad.

Mapapanood ang My Other Self sa Mayo 17 mula sa direksiyon ni Veronica Velasco na isinulat ni Jinky Laurel produced ng Starcinema.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …