Monday , December 23 2024

Bakbakan ng Bangsamoro groups tuloy (Digong nalungkot)

050617_FRONT
MALUNGKOT na ibinalita ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, duda siya na magtatagumpay ang isinusulong niyang kapayapaan sa Mindanao at magiging collateral damage ang mga sundalo sa patuloy na bakbakan ng mga grupong Bangsamoro.

“I am talking to the MI pati MN but appa-rently you’d notice nag-aagawan sila ng kampo ngayon. So I’m at a loss even. I was very optimistic before but I’m a bit pessimistic now Misuari is not, is keeping his silence. But he talks to me in private,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Police Regional Office ARMM sa Camp Brig. Gen. Salipada, Pendatun, Parang, Maguindanao.

May mga reserbasyon aniya si Misuari na nagsulputan ang maraming Moro groups na postu-rang ipinaglalaban ang karapatan ng Bangsamo-ro gayong ang Moro National Liberation Front (MNLF) na kanyang pinamunuan, ang nagsimula ng pakikibaka.

“Kaya pati ako, ‘di naman kinabahan but I’m a little bit worried that nothing will come out of this,” dagdag ng Pangulo.

Ngunit upang magtagumpay ang prosesong pangkapayapaan sa Mindanao ay dapat gampa-nan ng lahat ng stakeholders ang kanilang papel, pati ang pulisya’t militar.

Tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga tropa ng pamahalaan, sakaling mamatay sa pagtatanggol sa bayan ang mga sundalo ay susuportahan ng gobyerno ang mauulila nilang pamilya.

“That is the least that I can do for you for doing your duty to your country. ‘Yan ang maasahan ninyo sa akin. Ang ayaw ko lang ‘yung may magkulang. Ayaw ko sa panahon ko na sabihin na, “Nahuli kami rito, natalo kami, medyo tagilid kasi wala ito, wala ito,” aniya,

Noong Pebrero ay inianunsiyo ng Palasyo ang mga bagong miyembro ng expanded Bangsamoro Transition Commission (BTC) na magbabalangkas ng bagong Bangsamoro enabling law.

“The creation of the expanded BTC from 15 to 21 was made after President Duterte signed an Executive Order (EO) No. 8 on November 7. The EO was one of the agreements reached during the August meeting between the implementing panels of the government and the MILF, where they discussed the new Peace and Development Roadmap for the implementation of the signed peace agreements,” ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *