Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Poveda Enciende na kinabibilangan ni Gela Atayde, wagi sa The Dance Worlds 2017

PIGIL ang hininga ni Sylvia Sanchez habang sumasayaw ang dance group na kinabibilangan ng anak niyang si Gela Atayde mula sa grupong Poveda Enciende sa sinalihang kompetisyon na The Dance Worlds 2017 noong Mayo 1 sa Orlando, Florida USA.

Umabot sa 27 dance group ang mga sumali sa Open Competition na ito na ang ibig sabihin ay pinaghalong amateurs at professionals at ‘yung ibang grupo ay kilala pa sa bansa nila.

Ang Poveda Enciende ang namumukod tanging pinakabata dahil pawang high school students lang ang miyembro at unang beses nilang sumali sa kompetisyon.

Ang Poveda Enciende ang huling tinawag na mag-perform kaya panay ang panalangin ni Ibyang na sana mapansin ang grupo ng anak at maski na anong award ay okay lang.

Pero mukhang maraming nanalangin sa Poveda Enciende dahil sila ang champion sa Dance Worlds 2017 (Open Hip Hop) kaya naman naglulundag sa tuwa si Sylvia kasama na rin ang ilang magulang at teachers na kasama ng mga bata.

Base sa post ng aktres sa kanyang social media account, “Yahoooo!!!  #povedaenciende #teampilipinas is the champion for#thedanceworlds2017 Congratulations Gela n teammates, you made it!! Galing! Galing!!! I’m so proud of you!!”

Ang iba pang nanalo ay ang Paragon, USA sa ikatlong puwesto at Black Ice USA para sa ikalawang puwesto at lahat ay nagkamit ng tig-iisang medalyang ginto at malaking tropeo.

Kamakailan ay nanalo rin ng Poveda Enciende ng bronze medal sa nakaraang International Cheerleading Union Worlds 2017 noong Abril 27.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …