Tuesday , December 24 2024

Superpowers pag-iisahin ni Duterte vs nuke war (Para biguin ang NoKor)

050117_Front

MAGIGING alas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang karisma at husay sa “geopolitics” para pagkaisahin ang superpowers na pigilan ang nakaambang paglulunsad ng nuclear war ng North Korea.

Nakatakdang magtungo ngayong buwan ang Pangulo sa China para dumalo sa One Belt One Road Summit at sa Russia para sa state visit.

Ang China at Russia ang itinuturing na mga kakampi ng North Korea.

Habang kamakalawa ng gabi ay biglang tinawagan sa telepono ni US Pre-sident Donald Trump si Pangulong Duterte para anyayahan bumisita sa Amerika upang pag-usapan ang ibayong pagpapalakas ng pakiki-alyansa sa Filipinas.

Pinag-usapan ng dala-wang lider ang paninindigan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa regional security kasama ang nakaambang pang-uud-yok ng nuclear war ng North Korea.

“Sa gitna ng tension sa Korean Peninsula, magsisilbing unifying factor si Pangulong Duterte ng tatlong superpowers, Unites States, China at Russia para labanan o kontrahin ang posturang nuclear power ng mundo ng North Korea,” anang isang poli-tical analyst.

Tiniyak ni Trump na dadalo siya sa East Asia Summit at US-ASEAN Summit sa Nobyembre na gaganapin sa Filipinas.

Tinalakay nila ang masidhing pagsusumikap ni Duterte na lipulin ang problema sa illegal drugs sa Filipinas na panguna-hing suliranin din ng ibang mga bansa.

 ni ROSE NOVENARIO

Duterte kay Trump
PASENSIYA
SA NOKOR HABAAN

INAASISTEHAN si President Rodrigo Roa Duterte ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go habang kausap sa cellphone si US President Donald Trump,  sa gala dinner na inihandog ng Pangulo sa Head of States ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) member countries sa Sofitel, Pasay City kamakalawa ng gabi.  (KING RODRIGUEZ/PRESIDENTIAL PHOTO)
INAASISTEHAN si President Rodrigo Roa Duterte ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go habang kausap sa cellphone si US President Donald Trump, sa gala dinner na inihandog ng Pangulo sa Head of States ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) member countries sa Sofitel, Pasay City kamakalawa ng gabi. (KING RODRIGUEZ/PRESIDENTIAL PHOTO)

SA media interview kay Duterte sa pagtatapos ng ASEAN Leaders’ Summit kamakalawa ng gabi, inihayag niya na ihihirit niya kay Trump na habaan ang pasensiya kay North Korean leader Kim Jong-un, lalo na’t naghahanap ito ng damay sa layunin na mag-lunsad ng nuclear war u-pang magunaw ang mundo.

“Do not play into his hands. The guy simply wants to end the world. That is why he is very happy. He is always smiling. But here he wants to finish everything and they will drag us all down,” aniya.

Binigyan-diin ni Duterte, kapag nagsabong ang mga armas ng North Korea at Amerika, ang rehiyong Asya-Pasipiko, lalo na ang sampung bansa sa ASEAN, ang pangunahing mapipinsala.

“I would say just, ‘Mr. President, please see to it that there is no war because my region will suffer immensely.’ The first. The first fallout would be ASEAN, Asia, very near, very dangerous,” anang Pangulo sa pakikipag-usap niya kay Trump.

Lahat aniya, lalo na ang ASEAN, ay nababahala sa girian ng Nokor at US na animo’y may mga ta-ngan lang na laruan na pinag-aaway kaya’t dapat mag-ingat sa pagpapayo sa mga nasabing bansa upang maiwasan ang nakaambang delubyo kapag natuloy ang nuke war.

“And it would really mean the first victim would be Asia and Southeast — the whole of the ASEAN countries and the rest because if those are really nuclear warheads then it means the end of the world,” dagdag niya.

Kinikilala ni Pangulong Duterte ang mahalagang papel na gagampanan ng China para awatin ang pambu-bully ng North Korea sa mundo na maglulunsad ng nuke war.

Habang si Trump ay nagpahayag na ang pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea nitong Biyernes ay pagpapakita ng kawalan ng respeto sa China.

Ani Duterte, kapag hindi kumilos ang mga superpower gaya ng China, Russia ,Great Britain, France, Amerika at Japan para kontrahin ang North Korea ay maglalaho ang mundo sa isang kumpas ng leader nito.

Sa Chairman’s statement
SOUTHEAST ASIA
GAWING NUKE FREE

ANG ASEAN traditional leaders’ family photo sa Coconut Palace, Pasay City, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.  (JACK BURGOS)
ANG ASEAN traditional leaders’ family photo sa Coconut Palace, Pasay City, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte. (JACK BURGOS)

SA inilabas na Chairman’s statement ni Duterte bilang ASEAN chairman ngayong taon, nakasaad ang napagkasunduan na malagdaan ang Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone Treaty (SEANWFZ).

Binigyan-diin dito ang komitment ng ASEAN, ang pagbabawal sa rehiyong Southeast Asia sa nuclear weapons at weapons of mass destruction.

“We noted the Philippines’ hosting of a Working Group meeting of the SEANWFZ Executive Committee in May 2017 to continue discussions on the accession of the Nuclear Weapon States to the Protocol to the Treaty,” bahagi ng Chairman’s Statement.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *