Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Answered prayer, pag-aalok ng kasal ni Gerald kay Ai Ai

SA nakaraang presscon ng bagong pelikulang handog ng Regal Multi Media na Our Mighty Yaya na pagbibidahan ni Ai Ai de Las Alas ay inamin niyang ‘answered prayer’ ang pag-aalok sa kanya ng kasal ng long time boyfriend niyang si Gerald Sibayan.

Naikuwento ni Ms A na noon pa niya naramdaman na ang boyfriend niya ang makakatuluyan dahil sa senyales na hiningi niya.

“Mayroon akong isang ano na, ‘Lord, bigyan mo naman ako ng sign na siya na talaga.’ Dapat noong araw na ‘yun, hindi siya magsisimba, kasi magtatrabaho nga siya.

“Sinorpresa niya ako. Pagkatapos na pagkatapos ko (manalangin), pagmulat ko, nasa tabi ko siya. Sabi ko, ‘Lord, ‘yun ba ‘yun? ‘Yun ba ‘yung sign?’

Dagdag pa ng Comedy Queen, “sa lahat ng naging boyfriend ko at naging asawa ko na, sinasamahan niya akong mag-novena every Wednesday. Palagi kaming nagdarasal na para sa kanya, ‘yung para sa akin.”

Ayon pa kay Ai Ai ay simple lang ang ginawang proposal ni Gerald sa kanya noong Abril 12 na hindi naman niya ipinagdamot sa lahat dahil ipinost niya ito sa kanyang IG account.

“Simple lang ‘yun, pero one year na niya itinatago ‘yung ring na ‘yun. Kumbaga, matagal na niyang itinatago ‘yun, pinag-ipunan.

“So, kumbaga, noong nararapat na ‘yung time siguro, para sa kanya, ibinigay na niya. Kasi, unang-una, hindi na niya kayang isikreto,” pahayag pa ni Mighty Yaya star.

Supposedly, ngayong taon ang kasal nina Ai Ai at Gerald, pero hindi pa  handa ang una.

“Parang hindi pa ako ready. Nakatatawa, ako pa ‘yung hindi ready,” natawang sabi ng komedyana.

Ang singsing na bigay sa kanya ni Gerald ay matagal na niyang alam.

“Alam ko na mayroon siyang singsing. Hindi ko alam na ganoon ang hitsura, and hindi ko alam kung kailan niya ibibigay sa akin.

“Pero hindi ko ipinapaalala sa kanya or nag-instigate ako na, ‘Ano? Kailan ka na magpu-propose? Wala. Basta deadma lang ako,” pagtatapat ni Ms A.

Sa madaling salita, hindi na nagulat ang aktres sa wedding proposal ni Gerald.

“Surprised pa rin, kasi siyempre, hindi ko naman alam ‘yung ring, eh. Noong pinapipili niya ako, natatawa lang ako. Akala ko ineechos-echos lang niya ako.

“Sabi niya, ‘Huy, pili ka ng ring.’

“Sabi ko, ‘Ikaw na lang! Bahala ka na kung ano ‘yung kaya mo, kung ano ‘yung gusto mo,” nakangiting kuwento ng soon to be Mrs. Gerald Sibayan.

Mapapanood na ang Our Mighty Yaya sa Mayo 10, mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes handog ng Regal Films.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …