Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty idinaan sa panalangin, makabalik lang sa pag-arte

INAMIN ni Beauty Gonzalez sa grand presscon ng Pusong Ligaw na natakot siya noong nabuntis dahil mainit ang karera niya noon lalo’t sunod-sunod ang project na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN tulad ng Dream Dad na kaagad sinundan ng Ningning.

Kaya labis-labis siyang nagpapasalamat na binigyan siya muli ng chance sa Pusong Ligaw.

“Sa totoo lang, siguro I believe that I got the talent and naniniwala sila sa akin sa talent ko at buti pinaniwala nila ulit sa akin kasi ang tagal ko ring nawala, for a year.

“I don’t wanna say but I know myself that I’m good to the people I’m working with, mahal ako ng mga staff, mahal ko rin sila and siyempre, naaalala rin nila ako. Kasi kung mabait ka sa mga ka-trabaho mo at pleasant ka sa lahat kahit sino pa ‘yan like sa utility sa lahat ng tao sa taping, maalala ka nila. So thank you,” kuwento ni Beauty.

Talagang idinaan lahat sa panalangin ng aktres na sana makabalik siya sa career niya pagkalipas ng isang taon.

“Oo, pati ‘yung pagpapapayat ko. Oo ipinagdarasal ko, everyday I pray.  Siyempre noong nabuntis ako, I was really scared kasi my God, sunod-sunod na ‘yung proyekto ko noon, eh.

“From ‘Dream Dad’ to ‘Ningning’ and then, may ‘Walang Iwanan’ soap pa ako, I was doing two soap at that time and then I got pregnant, o my gosh.

“Lahat yata ng simbahan sa Europe o lahat yata ng napuntahan kong country kinatok ko, sabi ko, ‘Lord, gusto ko pong bumalik, gusto kong patunayan sa kanila na hindi ako sayang at kaya kong patunayan.

“And thankful ako kasi naniniwala sila sa akin (ABS-CBN) and to my manager Arnold Vegafria kasi muntik na akong hindi maniwala sa sarili ko.

“Yes, muntik na akong hindi maniwala sa sarili ko, kasi I got pregnant at nawala ako sa show, and that’s a big problem kasi they had to pull me out and nakakahiya. Buti na lang, mabait ako sa lahat ng tao,” say ng aktres.

Mapapanood na ang Pusong Ligaw sa Lunes, Abril 24 pagkatapos ng It’s Showtime.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …