Monday , December 23 2024

Kapakanan ng OFWs sa Middle East pakay ni Digong (Sa 6-araw state visit)

IHIHIRIT ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinuno ng Saudi Arabia, Bahrain at Qatar ang kapakanan at dignidad ng overseas Filipino workers (OFWs) sa kanyang state visit sa 10-16 Abril 2017.

“He will discuss with these leaders matters relevant to the welfare and dignity of the Filipinos living in their countries as well as explore avenues for economic and political cooperation,” sabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Hjayceelyn Quintana ng Office of Middle East and African Affairs.

May 32 aniya ang OFWs sa death row, 31 sa Saudi Arabia, at isa sa Bahrain at pinag-aaralan ng Office of the Undersecretary for Migrant Worker Affairs kung sino ang puwede nang ihirit na gawaran ng clemency at pardon.

Umaasa aniya si Pangulong Duterte na ang pagbisita niya sa Gitnang Silangan ay magdudulot ng mas magandang relasyon upang makalikha ng trabaho sa mga Pinoy ang US$500-B pinagsamang capital ng Saudi Arabia, Bahrain at Qatar na ilalagak sa bansa.

“In terms of economic cooperation, the President will explore partnerships in tourism development, halal food security, Islamic finance and energy security, as well as investments. He will invite these countries to invest particularly in Mindanao as a way of lifting Mindanao out of both poverty and conflict,” aniya.

“On political cooperation, the President is keen on seeking partnerships in security, countering terrorism, and combating illicit drugs,” dagdag niya.

Magiging tampok sa state visit ni Duterte ang pakikipagkita sa Filipino community sa Saudi Arabia na may 760,000 Filipino, sa  Bahrain na may 60,000 Filipinos, at Qatar na may 250,000 Pinoy, gaya ng mga pagbisita niya sa ibang bansa mula noong 2016. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *