Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, nilinaw ang 5 yrs. exclusively dating relationship nila ni Piolo

KLINARO ni Shaina Magdayao ang sinasabing ‘5 years exclusively dating relationship’ nila ni Piolo Pascual.

Ito kasi ang paulit-ulit na tinatanong sa dalawa sa tuwing maiinterbyu sila ng media at kung hindi kami nagkakamali ay kay Piolo ito nagmula noong matanong siya rati pa.

At sa panayam ng Cinema News kay Shaina ay ipinaliwanag niya kung ano talaga ang sinasabing five years nila ni Piolo.

”Yung five years na ‘yan, na na-misquote siya sa ‘TV Patrol’, let me be very honest, kasi this is the first time that I’m gonna talk about it.

“Kasi nga, parang it was blown out of proportion. When he was interviewed, it was Valentine’s Day, and I really felt bad kasi mukhang nadamay lang kami sa hype dahil nga sa makukulit na mga tao.

“I don’t know if you’re all excited na magkaroon kami ng kanya-kanyang relationship.

“I remember, it was February 14 na parang episode ng ‘TV Patrol’, na isinabay kami sa mga official talagang magbo-boyfriend-girlfriend.

“So, kami naman, helpless, wala na, nasa headlines na kami. I really felt bad, kasi may mga bersiyon na nag-iimbento o saan nanggagaling ‘yung five years na ‘yun.

“But, you know, let me make it very clear, ‘yung five years na ‘yun, we talked about that twice in passing.

“We were in Malaysia, tapos may nag-tag na parang magpa-five years na.

“Sabi niya sa akin, ‘Magpa-five years na.’

“Sabi ko, ‘Oh, my gosh, five years na since ‘ASAP Singapore’!’ So, roon nagsimula ‘yun.

“Sabi ko, ‘Seriously, limang taon na ‘yun, limang taon na ‘yung nakalipas.’

“Sabi niya, ‘Oo, almost five years na, according to this posts and pictures.’

“Doon namin nakuha na parang, ‘Okay, it’s been five years that we’ve been there for each other.’

“Doon nagsimula ‘yun, and ito ‘yun, ito talaga ang conversation namin.

“Sabi ko, ‘Wow, in all fairness, ha, magpa-five years na.’

“So, when he said that, and it was edited in a wrong way, nagmukha tuloy malisyoso and I really felt bad.”

Nabanggit pa ni Shaina kay Piolo, ”‘You know, time will come na I’ll defend you,’ sabi ko sa kanya. Ako, I’ll clear that, ako ang bahala riyan sa five years na ‘yan.’

“Kasi, hindi naging maganda, kasi at the same time, sinasabi nila sa kanya at sa akin din na five years, it’s been five years. I’ve been telling you na wala, na I’m single, tapos may five years.”

”Kung alam lang nila kung saan nagmula ‘yung five years na term, at kung gaano siya actually kaganda that five years na kami, na parang magpa-five years na kami, na we’re always there for each other according to that fan, to that post, tapos minamasama, nilalagyan ng malisya ng mga tao.

“I felt na ‘di maganda ‘yun, and it’s unfair for the two of us. Pero lahat ‘yan may rason, lahat ‘yan may pinanggagalingan.

“Ayoko lang nadudumihan ‘yung foundation namin, kasi our foundation is our friendship. Ayoko na nilalagyan ng intriga.

“It’s just sad kung paano siya unang pumutok, kung paano siya unang lumabas, but I hope this enlightened everyone.”

Speaking of Shaina, masaya siya sa magandang feedback ng serye nilang The Better Half kasama sina Denise Laurel, JC de Vera, at Carlo Aquino dahil umiinit na lalo ang kuwento.

Base sa ipinakitang teaser ng The Better Half ay may nagsabi kay Marco (Carlo) na siya ang unang asawa ni Camille (Shaina) bago si Rafael (JC) bagay na ikinataka nito kaya nagtanong siya sa nakilalang asawang si Bianca (Denise) na siyempre magaling magtago ng katotohanan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …