Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erik, ika-career na ang pagdidirehe

MUKHANG magkakaroon ng repeat ang concert ni Erik Santos sa The Theater Solaire Resorts and Casino, Ang Erik Santos Sings The Greatest OPM Classicsdahil almost sold out na ang tickets na as of this writing.

Ito ang unang beses na si Erik mismo ang magdidirehe at susulat ng script ng show niya na magaganap ngayong Biyernes, Abril 7, 8:00 p.m. with special guests Yeng Constantino at Mr. Ogie Alcasid. Makakasama rin sina Marcelito Pomoy atTawag Ng Tanghalan Grand Finalist Mary Gidget De Llana at Eumee Capile.

Nabanggit sa amin ng taga-Cornerstone na ang maganda ang feedback ng tickets selling sa Ticketworld (891-9999) kaya ang saya-saya ng producers na Lucky 7 KOI Productions.

Tanda namin noong huling makausap ang binatang singer kung sakaling successful ang first directorial job niya sa sariling concert ay tatanggap siya ng offer bilang direktor lang at hindi performer.

“Oo naman, walang kaso sa akin ‘yun, gusto ko na ‘yun para maipakita ko rin ‘yung alam ko. Kasi very observant ako as a viewer.  Kadalasan kapag nanonood ako ng concert o show sa TV, may mga napapansin ako, pero siyempre sa akin na lang ‘yun na dapat ganito ‘yung tamang lagay ng ilaw, dapat may ganito o ganyan. So from there, maski paano may alam na rin ako,” paliwanag ng singer.

Hindi naman makakapanood ang special friend ni Erik na si Angeline Quintodahil, ”nasa Abu Dhabi ang Birit Queens, eh kaya hindi rin siya nakuhang guest dahil sa tour nila,” kuwento sa amin ng singer.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …