Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

160 katao timbog sa police ops sa Makati

UMABOT sa 160 katao, kabilang ang mga sangkot sa droga, ang inaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Makati, kahapon at nitong Miyerkoles ng gabi.

Nasa impluwensiya pa ng droga nang masakote nang pinagsanib na puwersa ng Makati City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mga suspek na sina Maritess Lucero, Jaime Banzon, Jayvee Barcelona, at isang hindi pa nakikila-lang babae, pawang nasa hustong gulang  ng Brgy. Cembo, Makati City.

Ayon sa ulat ng Makati City Police, sinalakay ng mga awtoridad ang lungga ng hinihinalang mga pusher at user, dakong 10:00 pm nitong Miyerkoles sa Sampaloc St., Brgy. Cembo, ng nasabing lungsod.

Pinasok ng mga pulis ang bahay ni Lucero, ang target ng serach warrant.

Sabog sa droga ang nahuling mga suspek, at nakompiskahan ng 30 gramo ng shabu.

Target rin ng PDEA ang isang Rodolfo Banzon ngunit nakatakas at ang tiyuhin na si Jaime ang kanilang nasakote.

Samantala, nasa 156 katao na pawang sangkot sa droga at lumabag sa mga ordinansa ang hinuli ng pu-lisya sa magkakahiwalay na anti-criminality operation sa siyudad ng Makati dakong 1:00 am kahapon sa iba’t ibang barangay.

Nasa 20 ang nahuli at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at ang 136 ay lumabag sa iba’t ibang ordinansa na ipinatu-tupad sa lungsod.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …