Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
duterte gun
duterte gun

Kadamay tatapatan ng Bazooka, M-60 (Kapag nag-agaw-bahay pa)

ANARKIYA na ang ginagawa ng Kadamay.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa Western Command ng AFP sa Palawan, kahapon.

Aniya, limang M60 at bazooka ang ipatitikim niya sa Kadamay sakaling lusubin muli ang panibagong pabahay na ipatatayo sa mga pulis at sundalo.

Ayon sa Pangulo, dahil sa pagiging mahirap, pinagpasensiyahan na niya ang Kadamay nang agawin ang pabahay sa Pandi, Bulacan, para sana sa mga pulis at sundalo.

Babala ng Pangulo sa Kadamay, huwag nang ulitin ang pang-aagaw ng pabahay dahil oras na lumusob ulit ang militanteng grupo, hindi siya mag-aatubili na gumamit ng puwersa at paputukan sila.

Nakasusuya na aniya ang nabanggit na grupo kaya’t  huwag  magkamaling gumawa ng panibagong  pananakop.

”Next time I will build houses for police and the soldiers, pabantayan ko na ng limang M60  pati bazooka  sa unang entrada pa lang,  bitawan mo na putang inang ‘yan, nagpapasensiya lang ako, mahirap lang din yan,” pahayag ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …