Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, co-stars sa FPJ’s Ang Probinsyano at cast ng My Deart Heart atbp Kapamilya shows Sunshine ng ABS CBN (Sa summer station ID na Ikaw Ang Sunshine Ko, Isang Pamilya Tayo)

TAON-TAON ay tumatatak talaga ang Christmas station at summer station ID ng ABS-CBN kasi nagkakasama-sama ang halos lahat ng malalaking artista ng No.1 TV network sa bansa.

Dalawa sa Kapamilya shows mula sa production ng Dreamscape Entertainment na FPJ’s Ang Probinsyano at My Dear Heart ang palong-palong sa Ikaw Ang Sunshine Ko, Isang Pamilya Tayo. Nag-enjoy talaga during shoot si Coco Martin at mga co-star sa kanilang nangungunang action-drama series sa ABS-CBN Primetime Bida na nakasama ng Hari ng Telebisyon sa shoot si Teacher Dara at ilang mga estudyante samantala lima sa lead cast ng My Dear Heart na sina Nayomi Ramos, gumaganap na Heart sa top-rating drama series kasama sina Coney Reyes, Zanjo Marudo, Bela Padilla at Ria Atayde.

Makikita sa summer station ID, hindi lang ang pagkakaisa ng lahat ng Kapamilya talent kundi pinalalabas ito ng estasyon para ma-remind ang lahat sa ganitong klima ng panahon na dumarating tuwing summer season. At hindi lang ang summer outfit ng mga kabilang na stars ang inaabangan sa summer station ID kundi ang theme song nito at kung sino ang Kapamilya artist ang umawit na talaga namang pumapatok.

Samantala this week, ay matinding enkuwentro ang muling masasaksihan ng mga manonood ng Ang Probinsyano sa pagitan ng grupo nina Cardo (Coco), Ramil (Michael de Mesa) at Gener (Jeric Raval) na muling susugod sa lugar ang hindi matahimik na hari ng Mafia sa Cebu na si Chairman Romano.

May buhay na naman kayang magbubuwis sa nasabing banggaan at sinong grupo ang malalagasan?

Sobrang heartwarming naman ang eksenang napanood sa April 3 episode ng My Dear Heart na ipinagtapat na ni Dra. Gia Lana (Ria) sa ex na si Jude (Zanjoe), anak nila ang nakalibing na madalas dalawin na si Margaret Grace. Masakit kay Jude ito pero pinakinggan niya ang pakiusap ni Gia na maging

civil sila sa isa’t isa alang-alang sa inaakala nilang namatay na anak pero lingid sa kaalaman ng dalawa ay buhay ito at si Heart ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Napapalitan naman ng kasiyahan kahit paano ang kalungkutan ni Gia ganoon na rin ang katuwaan ng mommy na si Dra. Margaret (Coney) at patuloy ang improvement sa sitwasyon ni Heart na nanatiling nasa coma. Ramdan na ng mag-ina ang napipintong paggaling ni Heart sa congenital heart diseases ng bata.

Mapapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol na agad namang susundan ng My Dear Heart.

Hashtag #MgaTunayNaWagiSaRatings Gyud!

CARLO MALALAMAN
NANG ASAWA SI CAMILLE
(SHAINA) SA “THE BETTER HALF”

Mangyayari na ang pasabog na pinakahihintay ng lahat dahil matutuklasan na ni Marco (Carlo Aquino) na dati niyang asawa si Camille (Shaina Magdayao) sa Kapamilya afternoon series na “The Better Half.”

Nakatakda na ngang malaman ni Marco ang kanilang nakaraan ni Camille at susubukan pang alamin ang lahat sa pagbalik niya sa Dumaguete upang mabigyang linaw ang rebelasyong kanyang natuklasan.

Ngunit hindi naman hahayaan ni Bianca (Denise Laurel) na bumalik muli ang alaala ni Marco at pilit na gagawa ng paraan upang mapaglayo ang landas nila ng dating asawa.

Paano nga kaya malulusutan ni Bianca ang mga kasiungalingang kanyang binuo? Manumbalik na nga kaya ang alaala ni Marco? Panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa “The Better Half” na mapapanood weekdays bago ang The Greatest Love na kanila nang last tree weeks sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …